Sweet photos nina Gerald at Julia habang nangingisda pang-asar daw kay Bea | Bandera

Sweet photos nina Gerald at Julia habang nangingisda pang-asar daw kay Bea

Ervin Santiago |April 14,2021
facebook
share this

Sweet photos nina Gerald at Julia habang nangingisda pang-asar daw kay Bea

Ervin Santiago - April 14, 2021 - 04:35 PM

TILA nais ipagsigawan nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa lahat ng mga nangnenega sa kanilang relasyon na “mamatay na lang kayo sa inggit.”

Habang patuloy ang pamba-bash ng mga haters sa celebrity couple, hindi rin sila tumitigil ng pagpaparamdam sa madlang pipol para ibandera ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Tulad na lang ng pagpo-post ng kanilang mga sweet photos sa social media mula sa kanilang mga bonding moments. Ang latest nga riyan ay ang fishing trip ng magdyowa recently.

Mismong si Gerald ang nag-post ng mga litrato nila ni Julia sa Instagram ng ilang ganap sa pinagsaluhan nilang sea adventure.

“The best things in life come with patience,” ang maikling caption ng hunk actor sa isang litrato nila ng kanyang boyfriend habang nasa isang yate.

Sa isa naman niyang solo photo, makikita si Gerald sa kanilang yate kung saan ang background niya ay ang napakagandang pagsikat ng araw mula sa  karagatan.

“Enjoying the sunrise of our beautiful country in the West Philippine Sea,” aniya sa caption.

Samantala, hindi nag-post si Julia ng picture nila ni Gerald na magkasama pero may ibinahagi rin siyang solo picture habang nasa yacht.

“Moments we live for,” ang short message na isinulat ng dalaga sa nasabing IG post.

Marami ang nagkomento na ang patuloy na pagse-share nina Gerald at Julia ng mga kaganapan sa kanilang relasyon ay parang pang-aasar na rin sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang kanilang pagmamahalan.

Ayon pa sa ilang nag-comment, ito raw siguro ang sagot ng magdyowa sa muling pambabasag ni Bea Alonzo kay Gerald.

Kamakailan, “sinunog” na naman si Gerald ng ex-girlfriend niya sa isang panayam kung saan muling binalikan ng aktres ang kanilang break-up.

“To be honest, when he ghosted me para akong na-scam. Apart from the whole infidelity thing, and the whole ghosting, I think I’m more mad when he gaslighted me,” sey ni Bea.

Sa interview naman ni Boy Abunda kay Gerald inilarawan nito bilang “toxic” ang kanilang relasyon, “Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and ‘di magpapakita kahit kailan.

“‘Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic — but being together we were very toxic, and hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang,” sabi pa ng hunk actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta naman ni Bea, “He’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending