Sophie na-stress nang bongga habang nagbubuntis dahil sa ipinagagawang bahay; Vin bad trip

NA-STRESS pala nang bonggang-bongga ang Kapuso actress na si Sophie Albert habang nagdadalang-tao nang dahil sa ipinagagawa nilang bahay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalipat sa bago nilang tahanan ang mag-asawang Sophie at Vin Abrenica dahil nga sa nangyaring aberya sa construction nito.

Sa latest vlog ng celebrity couple nabanggit nila na noong January, 2021 pa raw ang target date nila sa paglipat sa bago nilang bahay, ngunit na-delay ito nang na-delay.

“That was our agreement with our developer, kasi we were able to acquire the house in October and it was pretty much done. So, my whole pregnancy was stressful because of the house,” pahayag ni Sophie.

Sa ngayon ay nasa bahay pa rin daw sila ng kanyang mommy, “We’re still not in our own house. We’re still staying at my mom’s house it’s super duper disappointing kasi dapat January pa kami nakalipat.”

Nagkuwento rin si Vin kung bakit hindi pa natatapos ang ipinagagawa nilang bahay, “Nag-January, February, March. Nagpunta kami sa bahay, nagpunta kami sa site na walang natatapos.

“Can you believe na sa construction kami nagpupunta, buntis si Sophie,” dismayadong pahayag ng aktor.

Todo naman ang pasasalamat niya sa nanay ni Sophie dahil tinulungan talaga sila nito sa pagpapatapos ng kanilang lovenest.

“Buti na lang si mom may experience siya dahil ang dami na niyang pinagawang places,” ani Vin.

Sobrang frustrated ang Kapamilya hunk actor at first time daddy dahil sa nangyari, lalo na para kay Sophie na looking forward sa kanilang paglipat at pagdadala ng kanilang mga gamit sa bagong house.

“Sorry kung nagra-rant ako. I just feel so sad. Dapat kasama si Sophie sa journey na to kasi sobrang nag-e-enjoy siya. Alam ko sobrang fun nito para sa kanya.

“Pati pag-aayos ng nursery ni Avianna. Siyempre, gusto niya siya ‘yung nag-aayos. Pihikan ‘yun sa mga gamit sa bahay kung saan nakalagay ‘yung mga gamit gamit.

“So ako, tagabuhat sana, tagalagay lang kung saan niya gusto ilagay ‘yung mga gamit,” kuwento pa ni Vin.

Sa nasabing video, makikita rin ang ang paglilipat ni Vin ng kanyang mga gamit mula sa dati niyang bahay. At nanatili lamang siya sa sasakyan bilang pagsunod sa health protocols.

“Safety muna ng baby ko and my family comes first. Papanoorin ko lang sila we’re talking through the phone ng mga kailangan gawin. Pinapanood ko lang sila,” aniya pa.

Read more...