BAKIT nga ba biglang nagdesisyon ang dating sexy actress na si Rica Peralejo na layasan ang showbiz kahit umaariba pa ang kanyang career?
Sinagot yan ni Rica sa pakikipagchikahan niya kay Toni Gonzaga na mapapanood sa latest vlog nito sa YouTube, ang “Toni Talks”.
“It was more of like napagod ako. At 25, sabi ko bakit ganoon, paggising ko naiisip ko trabaho, tapos pagod na pagod na ako, tapos iniisip ko lang trabaho so wala na akong ibang nilu-look forward sa buhay ko,” simulang pag-amin ng hindi na aktibong aktres.
Dugtong pa niya, “And then I saw all around me, ‘yung pamangkin ko, ‘yung kapatid ko, bumalik sila sa school, ‘yung ganoon. Tapos nakita ko na ang normal ng buhay nila tapos parang ang saya, so unti-unti na ‘yung nagbi-build up na ‘yun so I said I kinda want a normal life.”
Noong panahong yun, feeling “broken” at “lost” si Rica hanggang sa natuto na siyang mag-inom, maglasing, magyosi at kung anu-ano pang kanegahan sa buhay.
“I was looking for things that helped me calm down but there was this range inside of me, there was this really pagka-lost. Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko,” sabi pa niya. Hanggang sa makilala nga raw niya muli ang Panginoong Hesus.
“Grabe kung anu-ano pa ‘yung dinaanan ko eh, siya lang naman pala ‘yung kailangan ko.
“I thought this job, this fame, this popularity, this career will actually be it. Parang this is all I need, hindi pala sa materyal na bagay o positions mo makikita o kahit sa ambition ‘yung fulfillment na hinahanap mo or ‘yung healing ,that wholeness that we are really looking for in our lives, hindi naman talaga nakikita siya sa ganoon,” paliwanag ni Rica.
Ngunit aniya, “Okay lang sa akin mag-downgrade pero ‘yung nakikita kong nagda-downgrade din ‘yung lahat ng nasa paligid ko was the most painful thing for me na my family will no longer enjoy the benefits of me being an artista.
“It was very hard. Sobrang takot ako. More than anything else it was what were they going to eat? And how were they going to live?” lahad ng aktres.
Patuloy pa niyang pagpapatotoo sa bisa ng pananampalataya, “I realized na bakit ba ako takot na takot for my family, the provider of my family is not me, the provider of my family is God.
“And true enough when I let go of that notion that everything was dependent on me it launched them off to have great lives for themselves,” sabi ni Rica.
Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ngayon ang sarili, sagot ni Rica, “The new Rica is just this one, ‘yung just living by faith, living under the grace of God, by the mercy of God, just blessed.”