NAGLABAS ng update si Janella Salvador sa kanyang Twitter account tungkol sa netizen na nagngangalang Gabriel Anunciacion na nam-bash sa anak nila ni Markus Paterson.
Sinagot kasi ni Gabriel ang tweet ni Markus na, “I thought the warm feeling on my stomach was the butterflies from holding my beautiful boy. Turns out he just peed.”
Ayon kay Gabriel, “Tanga ka kasi hindi mo pa turuan paano umihi mag-isa tingnan mo naman kalaki-laki ng anak mong damulag.”
Bukod dito, nilait din ng netizen ang itsura ng anak ng celebrity couple kaya naman kinastigo siya ni Janella pati na ng ilang fans at followers ng aktres.
“Your humor must be really f**ked up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” galit na bwelta ng aktres.
Hindi rin ito pinalampas ni Markus na nagsabing haharapin niya ang netizen dahil sa ginawa nitong pambu-bully sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol.
“Let’s be honest. I’m no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN. Not gonna erase the names, proud nyo eh,” sabi ni Markus.
Base sa update tweet ni Janella, “Gabriel, his mother, and some of the people who commented on his post apologized to us personally. We do accept their apology, however, I hope this is a lesson learned for them to be responsible and kind on social media.
“I don’t want any more negativity on my page but I am in disbelief at how cruel people can really be. These were sent to us today as well. I just want you to know that I am prepared to do what is right by me and my son.
“Social media, freedom of speech and having your own opinion DO NOT give you the right to be rude and to cyber-bully. Some of you really need to learn your lesson so be ready for your consequences. This is going to be my final tweet about the issue.”
Narito naman ang apology letter ni Gabriel kina Markus at Janella, “Last March 30, I shared the Facebook post of Erich Gonzales about Janella and Markus’s son, Jude. I know personally that it’s demeaning to attack a 5-month old baby, and that bullying should not be tolerated regardless of a person’s age, orientation, etc.
“I’ve learned from this mistake and I will be a better person and more mindful of what I say or do, and carefully considering what is right and other people’s sentiments as well may it be on social media or not.
“I realized that I have hurt a lot of people’s feelings, especially the parents of Jude. I am sincerely sorry for the hate that I’ve said, and hopefully this will reach the people I hope to apologize to.”
* * *
“Hindi lang pala kagandahan ng tanawin sa Pilipinas at talento ng mga artistang Pinoy ang ibinibida sa seryeng “Almost Paradise” mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment.
Tampok din dito ang husay ng mga Pilipinong direktor katulad ni Dan Villegas, ang premyado at kilalang direktor ng mga pelikulang “Changing Partners” at “English Only, Please” at mga teleserye tulad ng “On The Wings of Love” at “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”
Si Dan ang nagdirek ng ikaapat na episode ng crime drama series na nagbibigay ng liwanag at ligaya sa mga Pilipino sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC. Aniya, tinanggap niya ang proyekto dahil tagahanga siya ng mga producer ng Electric Entertainment na kinabibilangan ng tanyag na Hollywood producer na si Dean Devlin.
Dagdag pa niya, pagkakataon din itong maipakita ang kakayahan niya sa mundo dahil bago pa umere rito, ipinalabas na rin sa Amerika noong 2020 ang kauna-unahang American TV series na dito kinuhan ng buo sa bansa.
Sa episode na pinamagatang “Pistol Whip,” magkahalong Pinoy at foreigner ang cast na dinirek ni Dan, sa pangunguna ng bida ng serye na si Christian Kane at mga Pilipino aktor na sina Nonie Buencamino, Art Acuna, Samantha Richelle, Ces Quesada, Annicka Dolonius, Ketchup Eusebio, Maritina Romulo, Bettina Magsaysay, Mariella Laurel, at Boom Labrusca.
Sa kuwento, may makikilalang artista ang dating secret agent na si Alex Walker (Christian) matapos mapaaway sa isang bar. Dahil desperadong kumita para may pambayad ng renta, tinanggap ni Alex ang alok ng aktor na mag-stunt man siya sa ginagawa niyang reality TV show.
Sa pagsabak ng ating bida sa aktingan sa ilalim ng karagatan, mapapa-sisid rin siya sa ginagawang imbestigasyon ni Kai (Samantha) tungkol sa pagkawala ng isang vlogger habang nagsu-scuba diving.
Ayon kay Dan, na isa ring kilalang producer at cinematographer, “exciting” at “humbling” ang kaniyang karanasan sa programa kung saan marami rin siyang natutunan. “They were very professional and disciplined. I would love to collaborate with them again in the future,” sambit niya tungkol sa mga nakatrabahong banyaga.
Para naman sa mga kapwa niya Pinoy sa likod at harap ng kamera, tunay raw na “Filipino talent is global” sa kanilang ipinakita. Isa si Dan sa apat na Pilipino direktor ng “Almost Paradise” kasama sina Francis Dela Torre, Hannah Espia, at Irene Villamor.
Panoorin ang kanyang pinakabagong obra na “Pistol Whip,” na isinulat ni Calvin Sloan, ngayong Linggo (Abril 11) ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.