Naisantabi man noong nagdaang taon dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19, tuloy na tuloy na ngayong taon ang pagdaraos ng Miss Queen of Hearts Philippines pageant.
Naghahanap ang patimpalak ang walong bagong reyna, at tatlo sa kanila ang sasabak sa mga pandaigdigang patimpalak.
Hindi dapat bababa sa 18 taong gulang sap ag-inog ng patimpalak at hindi tataas sa 27 taong gulang sa huling araw ng paligsahan ang mga nagnanais na sumali, na dapat din hindi bababa sa 5’3” ang taas. Mga dalaga lang ang pinahihintulutang sumali, bawal ang naikasal na dati o nagdalantao.
Sa Abril 15 na ang deadline ng pagsali, Maaaring pumunta xsa opisyal na Facebook page ng patimpalak para sa karagdagang mga detalye.
“To have a winning chance, my candidates must know and internalize the traits of a winning personality—confidence, self-love, humility and politeness, being down to earth and social, grateful, and positive-minded,” sinabi sa Inquirer ni Mitzie Go-Gil, founder at CEO ng Queen of Hearts Foundation na siyang organayser ng patimpalak.
“Apart from proving her intelligence, talent and pleasing personality, she has a huge moral responsibility, and has to maintain a respectable character,” pagpapatuloy pa niya.
Balak ng foundation na magsagawa ng mga online na paligsahan para sa korona. At kung papalarin, nais ni Go-Gil na maging live and coronation night.
“But if restrictions regarding the pandemic are still enforced, an online pageant will be considered,” aniya.
Pipiliin sa patimpalak ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Global Universe, Miss Lumiere International World, at Miss Tourism Worldwide pageant. Limang reyna pa ang hihirangin—and Miss Queen of Hearts Universe, Miss Queen of Hearts International, Miss Queen of Hearts World, Miss Queen of Hearts Global Tourism, at Miss Queen of Hearts Earth.
Nasungkit ng Pilipinas ng korona sa unang eidsyon ng Miss Tourism Worldwide pageant noong 2018 nang magwagi si Zara Carbonell, anak ng aktor na si Cris Villanueva.
Wala pang Pilipinang nagwawagi sa Miss Lumiere International World, ngunit pumangalawa sina Sammie Ann Legaspi at Dona Marie Balaoro noong 2017 at 2018.