I-text kay Madam Sophia (September 02, 2013)

Mula kay Remy Siluan ng …6012, Benguet. April 20, 1989 ang birthday ko. Compatible po ba kami ng boyfriend ko na isinilang noong September 16, 1988 at kami na po ba ang magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 20, 1989 na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus, suweto at tugma kayo ng boyfriend mong may birthday na September 16, 1988, na nagtataglay ng zodiac sign na Virgo, kung saan, dahil tugma kayo sa astrology at birth date na 20 at 16, tiyak ang magaganap, darating ang saktong panahong kayo na nga ang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Cirilo ng …7596, Bacolor, Pampanga. December 13, 1969 ang birthday ko. Ano po ba ang masuwerte kong mga numero at kailan dapat tumaya upang masapol ang jackpot.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 13, 1969 mapalad ka sa lahat ng numero na may sumatotal na 1, 5, at 7, katulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 46, 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43, at iba pang katulad nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 16, 28, 34, 40 at 49, gayon din ang 7, 11, 19, 28, 34, at 41. Higit namang iigting ang buenas sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, Nobiyembre hanggang Enero. Upang manalo ng malaking halaga, mag hanap ng lotto outlet na napaka-haba ng pila at makitaya ka na lang sa unang babae na makakatabi mo. Sa ganyang paraan, sa taon ding ito ng 2013 hanggang 2014 sa edad mong 44 pataas, masasapol mo na ang jackpot.

Read more...