Nahihiyang manligaw

Sulat mula kay Gene, ng Barangay Pantar, Kolambugan, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Malapit na akong mag-18-anyos pero nakalulungkot na wala pa akong girlfriend.  Lahat ng dabarkads ko ay may girlfriend na at ang iba’y mag-aasawa na next year.  Crush ko ang isang babae sa school, pero hanggang hanga lang ako sa kanya dahil nahihiya ako.  Sakaling ligawan ko siya, pagbigyan kaya niya ako?  Pero, parang mahina ang loob ko na ligawan siya.  Compatible kaya kami kung ipaglaban ko ang aking nararamdaman sa kanya?  Ipinanganak siya noong Dis. 15, 1993.  Ang birthday ko at August 11, 1995.
Umaasa,
Gene, ng Barangay Pantar, Kolambugan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Romantikong Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) na nakatakdang mangyari sa panahong ding ito sa iyong palad.
Tanda na basta’t lakasan mo lang ang iyong loob na kausapin ang babaing iyong crush tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang buwan na ito, magiging GF mo rin siya.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2013, pinakamatagal na sa January 2014, tiyak ang magaganap, magiging girlfriend mo ang babaing noon mo pa crush na crush. Itutuloy

Read more...