MAJA sinisingil na sa mga kasalanan kay KIM, minamalas ang career

NAPI-FEEL na raw kaya ni Maja Salvador ang karma? Naku, ayaw talagang tigilan ng fans ni Kim Chiu ang dating best friend ng aktres – naniniwala sila na minamalas na raw si Maja dahil sa ginawa niyang pagtraydor sa dating matalik na kaibigan.

May nabasa kasi kaming mga mensahe sa Twitter at Facebook na nagsasabing palaos na raw si Maja, wala na raw kasi itong ginagawang projects, samantalang si Kim ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho sa ABS-CBN matapos nga nilang gawin ang seryeng Ina Kapatid Anak.

Blockbuster ang pelikula nina Kim at Xian Lim na “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” at magbibida muli si Kim sa month-long episode ng Wansapanataym na magsisimula na sa darating na Sabado.

At hinahanda na rin ang susunod niyang teleserye. Bakit daw si Maja parang natengga na nang matagal? “Yan ang tinatawag na digital karma.

Dahil sa ginawa niyang kasalanan kay Kim, yan ang bawi sa kanya. Akala niya siguro basta na lang siya patatawarin ng tadhana!?” anang isang loyalistang fan ni Kim.

Sa presscon nga ng Wansapanataym, ayaw nang magsalita pa ng dalaga nang tanungin siya kung ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing mas kinampihan siya ng mga Pinoy sa away nila ni Maja.

Aniya, ayaw na niyang magsalita sa nga ganu’ng klaseng isyu, ang mahalaga ay napapasaya niya ang mga tao. Sa pagkakaalam namin, may ginagawa nang serye si Maja ngayon, kasama siya sa bagong soap nina Angel Locsin at Jericho Rosales.

Pero mukhang matatagalan pa ang pagpapalabas nito. Samantala, tanggap na raw ng pamilya nina Kim ang pagkawala ng kanyang inang si Louella Yap Chiu, kamakailan ay ginunita nila ang ika-40 araw ng kamatayan nito, “Ayun nagkitakita kami ng mga relatives ng mama ko, mga relatives ng papa ko.

Yun nagkonting salo salo.” “Medyo natanggap na po ng lahat. Siyempre hindi naman sobrang tanggap na tanggap, but it’s different na than the first one.

Ngayon hindi po siya nagpaparamdam. Siguro alam niya pong takot ako. Hindi po sa aming magkakapatid eh. Alam kong andiyan lang siya. Sa mga nangyayari sa akin ngayon, feeling ko siya ang nagaga-guide sa akin,” sey pa mi Kim.

( Photo credit to Google )

Read more...