APL.DE.AP mas type magdyowa ng Pinay, itutuloy ang panliligaw kay KC


Hindi imposibleng Pinay ang mapangasawa ng international singer na si Apl.de.Ap. Sey ng isa sa mga mentor-judge ng The Voice of the Philippines, marami siyang katangiang hinahanap sa isang babae na taglay ng isang Filipina.

Chika ng isa sa member ng Hollywood group na Blackeyed Peas, hindi niya iniaalis na baka nga isang Pinay ang makatuluyan niya sa huli. Aniya, “Right now, well, I’m looking for someone to ligaw.”

Kung matatandaan, nabalitang niligawan niya noon si KC Concepcion, na niregaluhan pa nga niya ng mamahaling bracelet. Pero nahinto raw ang panlililigaw ni Apl dahil pareho na silang naging busy ni KC sa kani-kanilang mga showbiz career.

O, hindi ba’t pati nga kay Kris Aquino ay na-link si Apl, pero mabilis nilang itinanggi na nagkakamabutihan na sila. Mabuting magkaibigan lang daw ang dalawa.

Nilinaw din ng international singer ang balitang kaya raw tumigil na siya sa panliligaw kay KC noon ay dahil dyowa na niya ang isang beauty queen, ang tinutukoy sa balita ay ang isa sa mga naging kandidata sa Binibining Pilipinas USA 2013, kung saan isa siya sa mga naging judges.

Ginanap ito sa Centinela Valley Performing Arts Auditorium sa Lawndale, Los Angeles, noong July 27, “No, we’re just…I judged Binibining Pilipinas USA 2013 competition in L.A.

I just met new people. Right now, I’m really focused on my album and The Voice.  But as I always say, there’s always room for that.”

Pero ano nga ba ang ideal girl niya? “I tend to go towards really hardworking women. I don’t know. It intrigues me how they work so hard. I’m like, ‘Wow! Am I even worth it? ‘Coz she’s like doing stuff like that.

“I like girls na sweet, strong, knows how to cook, and open-minded,” dagdag pa ni Apl.de.Ap. Pahabol pa nito, hindi raw masyadong mahalaga ang itsura, but he likes “bebot” daw (isa sa pinasikat niyang kanta), “I like bebot that really cares for their family. I look up to bebots like my mom.”

Well, sana nga ituloy niya ang panliligaw kay KC, baka nga naman sila pala talaga sa huli, di ba? O, baka naman sila pala ni Kris ang itinadhana?

( Photo credit to Google )

Read more...