Nahuli na at agad kinasuhan ang lalaki na nanakit ng isang 65-anyos na Filipino-American sa New York City.
Sa inilabas na pahayag ng New York Police Department, isinalarawan ang 38-anyos na si Brandon Elliot na “homeless” at ito ay 17 taon nakulong dahil sa pagpatay sa kanyang ina.
Nahaharap sa two counts of second-degree assault si Elliot at one count of attempted first-degree assault at maari siyang makulong ng hanggang 25 taon.
Sa inilabas na security camera footages, napanood ang ilang beses na pagsipa ng Black American kahit nakahandusay na ang biktima.
Nakita rin sa video na marami ang nakasaksi sa pananakit ngunit walang tumulong at may isa pang hotel worker na isinara ang pinto ng establisyemento.
Matapos magamot sa ospital, naka-uwi na rin ang biktima.
Natunton naman si Elliot sa isang hotel na nagsisilbing “homeless shelter.”
Umani ng pagkondena sa buong mundo ang tumataas na bilang mga hate crimes laban sa mga Asian Americans sa US.