Aicelle Santos: Ang hirap talaga ng pinagdaanan ng pamilya namin…

MATITINDI rin ang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos pati na rin ng kanyang pamilya.

Ngunit sa kabila ng mga challenges na kanilang hinarap noon, lahat ito ay napagtagumpayan nila. Sabi nga ni Aicelle nang dahil dito ay mas tumatag pa ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

Kasabay nito, inamin ng singer na hindi rin naging madali para sa kanila ng asawang si Mark Zambrano ang bumuo ng pamilya ngayong panahon ng pandemya.

Sey ni Aicelle sa isang panayam, “That strengthened my faith and ‘yung tiwala ko talaga kay Lord na no matter what, whatever happens, He’s in control.”

“Kailangan ko lang balikan ‘yung miracles na nangyari sa akin nu’ng mga nakaraang taon tapos ibabalik ko ngayon.

“And that’s when I, you know, after that prayer, makakalma na lang ako na, ‘Oo nga naman, Lord. Why should I fear?'” pahayag pa ng first time mommy.

Ani Aicelle, talagang sinasabi sa kanya ni Mark na hanga ito sa tatag ng kanyang pananampalataya sa Diyos, “May mga usapan kami ng husband ko na ganito. Sabi niya, ‘I want your faith.’ Sabi sa akin ng husband ko, ‘Kasi I was never tested the way you were.’

“Sabi ko, ‘Huwag mo nang hintayin kasi ang hirap talaga ng pinagdaanan naming pamilya. ‘Wag nang ganu’n.

“Basta know that whatever you’re going though, lagi namang naririnig ito, e. Hindi naman ibibigay ni Lord ‘yan kung hindi mo kaya.’ Totoo ‘yon,” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Kuwento pa niya, kapag may mga araw na nakakakaramdam ng pagod o stress ang asawa, ipinapaalala niya na magdasal at magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap nila.

“So parang ako lang, I’m just here to remind him pero hindi ko para ipilit, hindi ba? Kasi minsan parang close to nagging na or something.

“So ako lang, when he feels na naiinis sa work, you know, finances, ganyan, ‘Ako ‘yung voice of conscience mo sa likod.’ Okay lang ‘yan kasi alam mo mayroon tayong ganito, ganito, ganito. That’s something to be happy about, ‘di ba?’ So ganu’n lang,” sey pa ni Aicelle.

Paglalarawan pa niya sa kanyang hubby, “He’s a joy giver. Parang may kasama kang bata. Magaan siya kasama. Para kang biglang my kalaro.

“Kasi ako kapag kausap mo ako mas seryoso ako. Siya, ‘yung magaan lang. Minsan mga kalokohan, ganyan. So feeling ko maganda ‘yung balanse namin especially now that we have a baby,” lahad pa ng singer at theater actress.

Kung matatandaan, nagpakasal ang dalawa noong November, 2019 at biniyayaan naman sila ng anak (Baby Zandrine) last December, 2020.

Read more...