Very soon ay magkakaroon na rin ng sariling music school si Enchong na personal daw niyang pangangasiwaan kasama ang kanyang business partners.
Ibinalita ito ni Enchong sa kanyang Instagram page kung saan nabanggit nga ng aktor na isa ito sa mga nasa bucket list niya mula pa noong pumasok siya sa mundo ng showbiz.
Ayon sa binata, ang Academy of Rock (AOR) Philippines ang katuparan ng isa sa kanyang mga ultimate dream at alay na rin niya sa entertainment industry.
“I always equate education to empowerment. Kapag may kaalaman ang isang mamamayan mas malayo ang naabot na mga pangarap.
“It’s been a dream to open up my own school, and so I’m proud to announce that my partners and I are opening Academy of Rock Philippines, a totally different team from the former,” ang caption ni Enchong sa kanyang IG post.
Dugtong pa niyang pahayag, “This is one of the few businesses that I will personally supervise to make sure that the quality of music education will be at par with our Singaporean counterpart.
“And yes, one classroom one student policy kami. For inquiries, just DM @academyofrockph,” aniya pa.
Sa kanya namang Twitter account, ibinalita ni Enchong na magsisimula na ang operasyon ng kanilang music school ngayong buwan.
Base sa nakasulat sa official website ng nasabing music school, “AOR is the only music school in Singapore that is dedicated to teaching rock and popular music.
“Its mission is to raise the musicality of Singapore’s youth and to promote rock music appreciation through a fun learning approach.”
Samantala, napapanood ngayon si Enchong sa bagong Kapamilya inspirational series na “Huwag Kang Mangamba,” na pinagbibidahan ng The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.
Ang “Huwag Kang Mangamba” ay napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV at iflix.