Mega pinaiyak ng driver na 35 taon nang nagseserbisyo sa kanya: Hindi mo ako iniwan at pinabayaan... | Bandera

Mega pinaiyak ng driver na 35 taon nang nagseserbisyo sa kanya: Hindi mo ako iniwan at pinabayaan…

Ervin Santiago |April 01,2021
facebook
share this

Mega pinaiyak ng driver na 35 taon nang nagseserbisyo sa kanya: Hindi mo ako iniwan at pinabayaan…

Ervin Santiago - April 01, 2021 - 03:57 PM

PINAIYAK si Megastar Sharon Cuneta ng kanyang personal driver  na 35 taon nang nagseserbisyo sa kanya.

Super touched ang actress-singer at TV host sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Nelson Siason o Dodong para magpasalamat sa kabutihang ipinakikita niya sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Ibinandera ng driver sa buong universe kung gaano kabuti ang kalooban ni Mega at kung paano siya nito itinuring na parang tunay na kapamilya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sharon ang throwback photo nilan ng driver na kuha pa noong 1986. Dito nga niya ibinahagi  ang mensahe ng pasasalamat ni Nelson para sa kanya.

Sinabi ni Nelson na saksi siya sa katapangan ng asawa ni Sen. Kiko Pangilinan bilang nanay, asawa at kaibigan.

Habangbuhay din daw niyang tatanawing utang na loob ang lahat ng kabutihan ni Sharon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Narito naman ang madamdaming caption ni Sharon sa kanyang Instagram post, “Awww ang aga-aga ito naman driver kong si Nelson pinaiyak ako!

“Thanks so much Dodong sa walang humpay at tapat mong pag-alaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di mo ako iniwan o pinabayaan.

“Mahal na mahal kita at ang pamilya mo! God bless you always. Ingat kayong lahat ng extra nitong mga panahon na ito nakakatakot na ang Covid!” pahayag pa ni Mega.

Dagdag na kuwento ng movie icon, unang naging driver ng ama ni KC Concepcion na si Gabby si Dodong at noong naghiwalay na sila ng aktor ay sa kanya ito sumama.

“(Driver po siya ng Papi ng panganay kong anak. Nung naghiwalay kami, sa akin s’ya sumama. Parang tama naman ang desisyon mo Dong ano?) @siasonnelson,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending