Andi tumatangging magpalitrato sa mga turista sa Siargao: Tao lang din kami... | Bandera

Andi tumatangging magpalitrato sa mga turista sa Siargao: Tao lang din kami…

Ervin Santiago - April 01, 2021 - 12:38 PM

DALAWANG beses tinanggihan ni Andi Eigenmann ang isang turista sa Siargao na humiling na makapagpa-picture sa kanya.

Ito ang ikinuwento ng nasabing bakasyunista na naka-post sa Facebook page ng isang travel group. Kasama raw niya that time ang ilang kaibigan na nagpunta sa isla ng Siargao.

Aniya, nang makita raw nila si Andi roon ay maayos naman silang nakiusap kung maaari silang magpa-picture kasama siya pero tinanggihan sila ng aktres.

“This post is not to discredit Andi  we just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life.

“Because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us,” sabi pa nito.

Dagdag pang paliwanag ng nasabing turista, excited pa naman silang makita sa isla ang aktres pati na ang fiancé nitong si Philmar Alipayo dahil nasubaybayan nila ang love story ng engaged couple.

Hindi rin daw nila hinuhusgahan si Andi, nais lamang nilang malaman kung may iba pang nagbakasyon sa Siargao na nakaranas din ng pagtanggi ng aktres na magpalitrato sa kanya.

Nagpaliwanag naman si Andi sa madlang pipol kung bakit siya umaayaw sa mga nais magpa-selfie sa kanya. Ipinost niya sa Instagram stories ang screenshot ng nasabing FB post.

Aniya sa caption, “LETS FINALLY ADDRESS THIS!” Sinundan nga ito ng ilang video clips kung saan niya in-explain ang kanyang side.

Inaasahan daw niya na maiintindihan ito ng mga tao dahil nag-quit na nga siya sa showbiz, “But then, now I understand na that’s not the case because of our YouTube channel.

“And the last thing I want is for you guys to misinterpret it or think that it means I don’t appreciate all of your support.

“We love knowing and I find it amazing that there are a lot of you that think that a life out here is something to admire, or something to achieve for yourselves,” depensa ng anak ni Jaclyn Jose.

Diin ng aktres, unfair na sabihan siya ng iba na huwag nang lumabas kung ayaw niyang pagbigyan ang mga turista sa Siargao na nais magpa-picture sa kanya.

Paliwanag pa niya, “I also hope that you understand that I’m human also. There are a lot of reasons why I moved here in the island, one of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is.

“Parang ang daya naman kung sabihin niyo sa akin, ‘Kung ayaw mong magpa-picture, ‘wag kang lumabas.’ Paano ako hindi lalabas?” chika pa niya.

Dagdag pa niya, may mga pagkakataon naman daw na pinagbibigyan din niya ang ilang nagpupunta sa isla pero hindi namam daw lahat ay maaari niyang mapagbigyan.

“Sana you would also understand na tao lang din kami kagaya niyo. Marami rin kaming responsibilities and kailangang gawin, especially we have three kids,” esplika pa niya.

Naikuwento rin niya na may mga pagkakataon na basta-basta na lang daw pumapasok sa bakuran ng bahay nila ang ilang turista, “We also know that the island is small and it’s so easy to look for our house.

“Naiintindihan namin na maraming pumapasok sa bahay namin kasi wala pa kaming gate,” sabi ni Andi kasabay ng paglilinaw na hindi pa nila ginagawang B&B (bed and breakfast) destination ang kanilang bahay.

“That is not yet going to happen. We don’t know yet when. We’re still enjoying this place, our home. Di ba, pag nasa bahay kayo, it’s a place of rest and just a private property?

“So I hope you guys don’t get offended when we get shocked when you go inside, or ask us for pictures while we’re having lunch, or we have just woken up.

“Honestly, we’re super happy you want to meet us, or you want to see us when you go here in Siargao. Pero hindi naman po pinatayo yung bahay namin para pasukin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I really, really hope you guys respect our privacy and realize that we’re also humans and we need our to feel when we’re home, we need to feel that we are safe, and that it is a place that we can enjoy being with each other and family,” pakiusap pa ni Andi Eigenmann.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending