ERVIC VIJANDRE niloloko lang si Bb. Pilipinas-Universe ARIELLA ARIDA?

Okay na sina Ervic Vijandre and Rich Asuncion pero hindi raw bumabalik ang binata sa ex nito. Magtatapos na in three weeks ang early primetime soap ng GMA na Binoy Henyo before 24 Oras.

Marami ang naisusulat about this pero the production and even the star of the show na si Sheena Halili is insisting that the soap is good for nine weeks lang daw talaga when it was first presented to her.

Sinang-ayunan ito ng co-star niyang si Ervic na una naming nakausap although siyempre ang wish niya, sana na-extend pa ang show or at least found a way to extend it dahil they are enjoying the show at maganda naman daw kasi ang kuwento.

Part of ini-enjoy ni Ervic sa show ay naging okay na sila ng kaniyang ex, si Rich Asuncion. More than a year pala ang dating period ng dalawa although about two months lang silang naging mag-on.

Hindi pa rin sila ng Binibining Pilipinas Universe na si Ariella Arida pero like Rich noon, long time ligawan pa rin sila dahil ganoon pala talaga ang style ng binata.

In support though, inaayos na ni Ervic ang passport and visa niya para makapunta siya sa Moscow kung saan gaganapin ang Miss Universe this November.

Now since open nga siya about Ariella, nagulat kami sa tanong ng isa naming kasamahan sa panulat na nagbabalak daw itong bumalik at manligaw ulit kay Rich.

Mabuti na lang nandoon ang dalawa to clear this issue dahil not true naman daw na may ganitong eksena sa kanila. Ang tsika kasi, pagdating ni Rich from Bohol recently, nag-text daw agad si Ervic sa kaniya at nagyaya ng date.

( Photo credit to Google )

Read more...