KINUMPIRMA ni Bea Alonzo na meron siyang mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan na tinamaan na rin ng COVID-19.
Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram account kasabay ng pagbabahagi ng kanyang nararamdaman ngayong nagsimula na ang Semana Santa.
Kahapon, Linggo ng Palaspas, hinikayat ni Bea ang mga Filipino na pagnilay-nilayan ang bawat aspeto ng ating buhay.
“It’s our second Palm Sunday spent just being inside our homes. May this be our chance again to reflect on life,” ang simulang pagbabahagi ng aktres na vlogger na rin ngayon.
“Recently, I’ve had close friends and loved ones infected by covid; I’d talk to them almost every day, as if holding their hands on this journey, only virtually.
“I mean, I knew this virus is scary, but I’ve never been slapped in the face by the fact that everything in life is fleeting and life is indeed short,” patuloy pa ng dalaga.
Aniya pa, “So, if you can, hug your loved ones now and tell them that you love them. And never underestimate the power of prayer.
“Let faith be your armor in these trying times. We’ll never go back to this moment, live it, learn from it, make the best of it. Stay safe everyone,” mensahe pa ni Bea.
Sa isa niyang vlog sinabi ni Bea na nais lamang niyang magkaroon ng “boring family life,” “I want to have a partner for life. I want to have someone to be there to raise a family and build a life with.
“Sana makahanap ako ng kasing buti mo bilang tatay. I just want a boring family life,” aniya.
Inamin din niya na nais na rin sana niyang magkaroon ng sariling pamilya, “Gusto ko na magka-baby. Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako.”
“Gusto ko in three years, kung ako ang tatanungin, if it were up to me, gusto ko three years. Pero siyempre di nga natin alam ang ano ng buhay,” kuwento ni Bea.
Dagdag pa niya, “Preferably sana hindi celebrity. Pero siyempre di mo rin naman mapipili kung saan titibok ang puso mo.”