Online app owner na malaki ang kinikita sa negosyo magpo-produce na ng pelikula

ANG laki talaga ng kinikita ng mga online apps dahil ang isang kilala naming may-ari nito na naging sponsor ng malaking programa ay magpo-produce na ng pelikula at on the works na ito.

Tsika sa amin ng kaibigan ng isang kilalang aktor na isa sa bida ng pelikula ay gustong pasukin ng may-ari ng local online app ang paggawa ng pelikula kaya nagpatulong ito sa ilang kaibigang taga-showbiz.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na nga kaagad ng pag-uusap sa pagitan ng online app owner at sa mga bubuo ng pelikula.

“Open ang budget kasi gusto nu’ng owner kaya mainstream movie agad ang gusto niya. Hindi niya raw ito titipirin saka malalaking artista ang gusto niyang cast,” sabi ng kaibigan ng aktor.

Hirit naman namin, kung kailan may pandemya ay saka nakaisip na gumawa ng pelikula ang first time producer at biro pa namin, sobra-sobra na ang kita niya kaya gusto niyang bawasan ito.

“Marami kasi siyang kaibigang artista at kilalang taga-prod din, gusto niyang makatulong kahit paano sa showbiz,” paliwanag sa amin.

Bakit hindi siya mag-produce ng show sa iWant o sa telebisyon muna, ang sumunod na tanong namin sa aming source.

“Parang meron din yata. Mukhang kasama yan sa binabalak niya. Basta balikan kita,” sagot sa amin.

Nakakatuwa na kahit suntok sa buwan kung mababawi ang puhunan ay may mga gusto pa ring mag-invest sa pelikula.

At sana ang mga taong kagaya nitong may-ari ng online app ay maging successful bilang movie producer para mas marami pa siyang matulungan sa indstriya.

Read more...