MATAPANG na naglabas ng saloobin ang Kapamilya actor na si Albie Casino sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine “season 2” sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.
Bukas, March 29, magsisimula na ang ikalawang round ng ECQ sa National Capital Region at ilan pang karatig lugar at tatagal ito hanggang April 4, Easter Sunday.
Ang pagbabalik ng lockdown ay ipinag-utos ng pamahalaan dahil na rin sa muling paglobo ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Isa ang hunk actor na si Albie Casino sa napakaraming Filipino na nag-react dito sa pamamagitan ng kanyang Instagram page. Nag-post ang binata ng selfie photo kasabay ng pang-ookray sa mga nagpapatakbo ng gobyerno.
Sabi ni Albie sa caption, “My face when they said ecq season 2. Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon. vote wisely sa 2022 #ecq #halalan2022.”
Magkakaiba ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing hugot ni Albie, may mga sumang-ayon sa kanya at meron din namang kumontra at ipinagtanggol ang Duterte administration.
Comment ng isang IG follower ng aktor, “Thanks at hindi ka bulag at pipi. Buti hindi ka takot ihayag ang saloobin tungkol sa politics.. hindi kagaya ng ibang artista takot ma bash.”
May isa pa siyang tagasuporta ang nagsabing sana raw ay matuto na ang mga Filipino sa susunod na Presidential elections at huwag nang magpapauto sa mga plastik at mapagpanggap na politiko.
May isang netizen naman ang binuweltahan ni Albie na kumampi sa pamahalaan. Sabi nito, “Control ba ng government officials yung virus? Galing mo din mag isip noh. Duh.”
Sagot sa kanya ng binata, “Imma hit you with some knowledge so try to understand if you can. They obviously don’t control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are LITERALLY THE [WORST] COVID RESPONSE IN THE WORLD).
“Our neighboring countries should be used as a measuring point look at them and compare to us. Now alam kong bobo ka kasi DDS ka but if you still don’t get it after this wala ka na pag-asa please don’t breed,” paliwanag pa ng aktor.
Nakipagsagutan din ang aktor sa ilang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte na kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya nang dahil sa kanyang post. Hindi inurungan ni Albie ang mga bashers na kumontra sa pinagsasabi niya laban sa gobyerno.
Kahapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan nga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ibalik sa ECQ ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
“One week will of course help, pero ‘wag kalimutan na we already have restrictions in place for the past week.
Itong ECQ natin is for the 2nd week of a two-week period kung saan tayo ay nag-impose na ng tighter restrictions.
“Malalaman lang natin ang resulta sa two weeks na ito sa susunod na two weeks,” pahayag ni Roque.