MARAMING rebelasyon ang controversial young actress na si Julia Barretto tungkol sa kanyang personalidad pagdating sa pakikipagrelasyon.
Ano bang klase siyang girlfriend? Siya ba yung tipo ng babae na sunud-sunuran sa kanyang dyowa? Kiss and tell ba siya? Okay lang ba sa kanya na ang babae ang gumawa ng first move kapag may nagugustuhan siyang lalaki?
Sinagot yan ng girlfriend ni Gerald Anderson sa kanyang “He Said | She Said” vlog kasama ang kanyang kaibigang hunk actor na si Marco Gumabao. Dito napag-usapan nga nila kung paano nagkaiba ang pananaw ng babae’t lalaki pagdating sa commitment at relationship.
Sa unang bahagi ng video, sinabi ni Julia na hindi siya yung tipong “kiss and tell. Mahalaga raw sa isang relasyon na panatilihing private ang kanilang intimate moments.
“I feel like the older you get, you just become more protective of your intimate moments in life.
“Also, I feel like when you’re in a relationship, you become so protective of that person that you don’t wanna even divulge anything about that person.
“Or even your relationship with that person especially your intimate moments. It should be something valued and protected,” paliwanag ng dalaga.
“Also, I feel like any guy who really respects the woman that they wanna be with tapos kiniss nila or whatever or they had an intimate moment with, if they really respected that girl, they wouldn’t kiss and tell. You’d not do it to anybody you’re serious about,” aniya pa.
Pagdating naman sa issue ng hiwalayan at balikan o ang on-off na klase ng relasyon, sinabi ni Julia na hangga’t nararamdaman niya na kailangang ipaglaban ang taong mahal niya, hindi siya makikipaghiwalay.
“Like even if we’re in the worst fight ever, it’s not something I will throw in. I’ll only tell you that when I’m done. When I’m not done, you’ll never hear me say I’m done,” sey ng aktres.
Ano naman ang reaksyon niya sa mga lalaking nagbabawal sa kanilang mga dyowa na magsuot ng seksing damit in public? “Sa akin, at this given time, I see it as protective and caring. So, I don’t see anything wrong with it when I feel like my man is not comfortable in what I’m wearing. I think it really depends.”
Tungkol naman sa usapin kung babae ang gagawa ng first move para mapansin ng lalaki, “I think it doesn’t matter who expresses first.
“I think it’s okay when a girl lets you know how she feels, whether it’s reciprocated or not. But definitely, I believe that guys should be the one pursuing.
“At the same time, I don’t mind if a girl makes the first move,” ang paniniwala ni Julia.
Nang tanungin siya ni Marco kung ang sinabi ba niya ay base sa kanyang personal experience, “Personally, ang sinasabi ko lang, walang problema kung yung babae ang unang mag-express ng feelings, whether or not reciprocated.”