Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Ang hinihiling ko po talaga sa sambayanan ay ipagdasal kami…

REYNANG-REYNA ang turing ng TV5 ngayon kay Maja Salvador na binansagan nilang Primetime TV Majesty.

Si Maja ang bibida sa bagong primetime inspirational drama-comedy series ng Kapatid Network na “Niña Niño” na mapapanood na after Holy Week.

In fairness, suportado talaga ang aktres ng mga bossing ng TV5 at Cignal TV dahil present ang mga ito sa virtual mediacon ng first teleserye niya sa network.

Binati ang dalaga nina Cignal and TV5 President and CEO Robert Galang, Belay Santillan, VP Cignal Entertainment at Jeffrey Vadillo, VP Cornerstone Entertainment na isa nga sa mga producer ng programa.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng aktres sa tiwalang ibinigay sa kanya ng TV5 para bumida sa “Niña Niño” na sa trailer pa lang ay umani agad ng papuri mula sa netizens. Umabot na sa mahigit 4 million ang views nito sa Facebook.

Kuwento ni Maja, “October of last year when the show was pitched to me. Dramedy ito. Nababagay ang istorya natin sa panahon ngayon. Kahit ang dami nating problem, nginingitian pa rin natin, andyan pa rin ang Diyos.

“Nandu’n ‘yung kaba ko pero habang kinakausap ko sila (TV5 and Cignal), unti-unting gumagaan ‘yung loob ko. Yes! Tama ang naging decision ko. Nagkaroon ako ng chance na maka-work yung ibang tao.

“I’m thankful in-offer nila sa akin ito. Isa ito sa mga shows na dapat panoorin dahil punumpuno ito ng pag-asa na kailangan natin,” pahayag ng dalaga.

Isa si Maja sa mga masisipag at matatapang na celebrities na magtatrabaho ngayon sa gitna ng pandemya kaya natanong siya kung paghahanda na ba ito sa nalalapit niyang pagpapakasal?

“Lagi naman po akong ganu’n. Kung ano yung kaya kong gawin, binibigay ko na lahat. Parang audition. Hindi ko tinitipid ang kakayahan ko sa mga projects. Binibigay ko na talaga lahat ng kaya ko,” tugon ng aktres.

Natawa naman si Maja nang tanungin kung magpapakasal na siya very soon, “Ang hinihiling ko po talaga sa sambayanan ay ipagdasal kami (ng boyfriend niyang si Rambo Nunez). Pareho kaming open at gusto naming matuto.

“Gusto namin maging malawak pa ang kakayahan namin. Sana nga hindi lang kami ang maging partner sa business kundi maging partner rin kami sa buhay. So hopefully maging partners na talaga kami,” pahayag ng dalaga.

Samantala, excited na rin si Maja sa tambalan nila ni Empoy Marquez sa bago niyang serye, “I have a good feeling magki-click kami. Iba talaga ang may bigote.

“Nakatrabaho ko na si Maja noon pa sa ABS-CBN at mga commercial. Mabait siya at masarap kasama,” chika pa niya.

Pero ang pinaka-challenge daw ng serye para sa kanya, “Ang hirap pala magpatawa. Mas madaling umiyak. Hindi pala madali ang maging komedyante. Yan po ang naging challenge sa akin sa ‘Niña Niño.’”

Bukod kay Empoy, makakasama rin ni sa programa sina Noel Comia, Lilet, Ruby Ruiz, Ian Pangilinan, Sachzna, Junyka Santarin, Arron Villaflor, Moi Bien ay Dudz Teraña. Ito’y sa direksyon ni Thop Nazareno.

Produced by Cignal Entertainment and line-produced by CS Studios and Spring Films led by Erickson Raymundo, veteran director Joyce Bernal, and top-tier actor Piolo Pascual, “Niña Niño” is set to air as one of the new anchor shows of TV5’s revitalized primetime block, TodoMax Primetime Singko.

Mapapanood na ito sa TV5 simula sa April 5, 7:15 p.m. bago mag-“FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Read more...