Sherilyn Reyes nakikipaglaban sa sakit na ‘shingles’: I wish to never experience this again

NAKIKIPAGLABAN ngayon ang aktres na si Sherilyn Reyes-Tan sa viral infection na “shingles” o ang tinatawag na Herpes Zoster.

Ito ang ibinalita ni Sherilyn sa kanyang Instagram followers at kinumpirma niya na matindi ang sakit na nararamdaman niya nang dahil sa shingles.

Base sa isang health website, ang mga shingles ay isang sakit ng balat na ginawa ng parehong virus na nagdudulot ng bulutong.

“Nangyayari lamang ito sa mga taong nahawahan ng virus ng bulutong at nagreresulta ito mula sa isang muling pagbabagong-buhay (nabagong aktibidad) ng virus.

“Ang direktang pagkakalantad sa likido sa mga bling ng shingles ay maaaring maging sanhi ng bulutong sa isang tao na hindi nag-iimpluwensya o hindi pa nagkaroon ng bulutong.

“Ang mga shingles ay mas madalas na nakikita sa mga matatanda kaysa sa mga mas bata o mga bata.”

Narito ang bahagi ng IG post ni Sherilyn, “On days I experience intermittent pain I get to sit with them and walk around slowly. Most of the time the pain is constant.

“I try to bear the pain to at least lessen the medicine intake as I probably have 140 tablets in total to take just one kind alone. My liver might begin to complain,” pahayag ng aktres at businesswoman.

Patuloy pa niyang mensahe, “I wish to never experience this again. I also don’t wish anyone to get this.

“Aside from the chronic pain, the meds are expensive. But then again everything that happens leaves you a lesson and realization. #shingles.”

Sa isa pa niyang post, makikita naman ang anak niyang si Eia na naluluha sa kanyang kundisyon. “When ur sick and she wants her mommy. Sorry baby…” aniya sa caption.

Ibinahagi rin niya ang litrato kung saan makikita ang asawa niyang si Chris Tan na nagpapahid ng gamot sa apektadong bahagi ng kanyang katawan.

“In sickness and in health. I love you Mahal. Thank you for always taking care of me. You are the best nurse ever,” ang nakalagay sa caption.

Nagpasalamat din si Sherilyn sa medical staff na gumamot sa kanya, “Thank you to all my doctors, friends for the tips and concern and food, my 24/7 very strict nurse @chrisdtan, my boys for buying meds and attending to my needs, Mar for taking care of the kitchen, Cha for handling my clothes in the laundry with extra care for extra precaution.

“And most of all my Baby girl Eia for the entertainment and utmost understanding that Mama cannot sleep beside her for a week or two. Breaks my heart,” aniya pa.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagmamahal at pagsuporta kay Sherilyn mula sa kanyang celebrity friends kabilang na sina Melai Cantiveros, Tanya Garcia, Aiko Melendez, Chynna Ortaleza at marami pang iba.

Read more...