Wonderful Bohol


SABI nga ng mga lakwatsero’t lakwatsera, bago ka mamasyal sa ibang bansa ay dapat makapunta ka muna sa beautiful island of Bohol.

At siyempre, ang main attraction ng isa sa pinakasikat na tourist destination ng Pilipinas ay ang Chocolate Hills. At kung napadpad ka man lang sa Bohol ay huwag kang umalis nang hindi mo rin napuntahan ang Panglao o nakita ang tarsier o nahipo man lang ang dambuhalang python na si “Prony.”

Siyempre, i-try mo rin dapat ang mananghalian sa floating restaurant sa Loboc River at bumisita sa mga lumang simbahan ng Bohol na tulad ng   Baclayon Church.

CHOCOLATE HILLS
Matatagpuan ang mga burol na ito sa Carmen, Sagbayan at Batuan. Hindi naman matiyak kung ilan talaga lahat-lahat ang Chocolate Hills pero tinatayang hihigit ito ng 1,260.

Kapag tag-ulan ay tinutubuan ito ng damo at nagkukulay berde ang mga ito. Pero kada-summer ay natutuyo ang mga damo at kadalasan ay nagkukulay brown ang mga burol at animoy parang mga tsokolate.

Kung bakit naging ganito ang porma ng lupain sa parte ng isla ay wala talagang makapagsasabi bagaman may scientific explanation ang mga eksperto para rito.

Mahirap ipaliwanag kung gaano kaganda ang tanawin sa Chocolate Hills kaya kailangan mong tumungo roon para ma-appreciate ang beauty ng Bohol.

Siyangapala, idineklara ang Chocolate Hills bilang isa sa mga National Geological Monument ng Pilipinas.

SMALLEST PRIMATE
Taliwas sa paniwala ng karamihan, hindi lamang sa Bohol matatagpuan ang mga tarsier na siyang itinuturing na pinakamaliit na primate sa mundo.

May tarsier din sa Mindanao, Mindoro at iba pang lugar sa Pilipinas. Meron din ito sa ibang bansa. Gayunpaman, dito sa Bohol mas naging tanyag ang mga tarsier na may sukat na 4-5 pulgada lamang.

Isa sa mga nangangalaga sa mga tarsier ay ang Philippine Tarsier and Wildlife Sanctuary sa Corella, Bohol. Dito maaaring mamasyal ang mga turista at makakakita ng tarsier.

Iniiwasan naman ang paghawak at pagpapakain sa mga tarsier na itinuturing na nocturnal at territorial animals.

PYTHON PRONY
Hindi man unique o kakaibang hayop si Prony ay kinagigiliwan din ito ang mga turista sa Bohol. Si Prony ay isang python na isa sa pinakamahaba (mahigit 23 feet at 7 inches) at pinakamabigat (mahigit 300 kgs o 600 lbs) na ahas in captivity.

Tulad ng tarsier ay hindi gaanong gumagalaw ang ahas na ito (mabuti na lang) ngunit di tulad ng tarsier ay maaari mo itong hawakan, tabihan at hipuin (kung carry mong pumasok sa kanyang kulungan).

Nahuli si Prony noong maliit pa ito malapit sa kanyang kinalalagyan ngayon. Hindi naman siya pinababayaan ang mga nakahuli sa kanya at sinisiguro na lagi siyang busog sa pagkain. Sakaling magawi sa rito, hanapin mo si “Marimar”.

LOBOC RIVER CRUISE
Isa rin sa mga unforgettable experience sa Bohol ay ang floating restaurant sa Loboc River. Kadalasan ay dito na nagla-lunch ang mga tourists habang binabaybay ang ilog.

May mga pagpipilian ka namang menu sa iba-ibang restaurants at may entertainer pa on board. Sa kalagitnaan ng cruise ay may stopover kung saan nagpe-perform ng mga sayaw, tugtugin at kanta ang mga taga-roon.

Sa dulo ng cruise ay may maliit na waterfalls. Sa mga adventurous, may zipline rin na itatawin ka sa magkabilang side ng ilog.

PANGLAO BEACH
Hindi rin magpapahuli sa Bohol kung beach ang pag-uusapan. May mga white sand beaches din dito pero hindi nga lang kasing haba ng Boracay ang beach line ng Panglao.

May mga restaurants din sa tabing dagat kung saan puwede kayong magpaluto. May iba-ibang waterfun activities din na puwede mong gawin bukod sa swimming.

Tutal, nasa Panglao ka na lang din ay umarkila ka na ng bangka para mag-dolphin watching at mag-snorkeling or diving sa Pamilacan island na around 30-40 minutes away from Panglao.

Patok din sa mga beach-lovers ang tinatawag nilang Virgin Island, na isang sand bar na malapit lang din sa Panglao. Maliit lang ang sand bar na ito na tinatawag din ng mga tagaroon na Puntod Island at wala kang masisilungan pero masarap maligo at magbabad sa tubig dito.

OLD CHURCHES
Mayaman din sa pamana ang Bohol. Matatagpuan dito ang ilan sa mga lumang simbahan sa bansa. Ilan sa mga madalas puntahan ng mga turista ay ang mga simbahan sa Baclayon, Cortes, Dimiao, Dauis, Loboc, Loon, Maribojoc, Talibon, Tubigon at Jagna.

Niyogyugan Festival sa Quezon Province

GINANAP kamakailan ang “Niyogyugan Festival” sa Lucena City sa Quezon Province. Pakay ng selebrasyon na ito na ipagmalaki ang mga produkto at kultura ng Quezon.

Ang pinaka-sentro ng naturang festival ay ang grand parade float competition, dance competition at festival queen competition.
Nagkaroon din ng Araw ng Pamilyang Magsasaka sa Quezon Convention Center at isinagawa ang 3rd Quezon Coco Jam sa Perez Park.

Binigyan din ng Medalya ng Karangalan ang mga piling mamamayan ng Quezon na nagbigay karangalan sa probinsiya.

 Saan matatagpuan ang pinakamasarap na lechon sa Pilipinas?

a. Leyte

b. Maynila

c. Cebu

d. Davao

e. Batangas

f. Iba pa…

Read more...