NU Bulldogs nakisalo sa liderato ng UAAP


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. FEU vs UST
4 p.m. Ateneo vs La Salle

GUMAWA ng tig-18 puntos sina Emmanuel Mbe at Bobby Ray Parks Jr. pero naroroon pa rin ang suporta ng bench at ang National University ay umangat sa ikalimang sunod na panalo sa 81-73 panalo sa University of the East sa 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

May 11 at 10 rebounds pa sina Mbe at Parks  upang ipakita ang kanilang liderato habang si Robin Rono ay naghatid ng 12 puntos, kasama ang tatlong tres habang ang bench ay naghatid ng 32 puntos para makasalo na ang Bulldogs sa Far Eastern University sa liderato sa 8-3 baraha.

Naglaro ang UE na wala sina Charles Mammie at Lord Casajeros dahil sa mga ipinataw na unsportsmanlike fouls pero nakapagbigay pa sila ng magandang laban at napag-iwanan lamang ng dalawang puntos, 59-57, sa huling pitong minuto ng labanan sa buslo ni Chris Noble.

Dito na pinuntahan ng Bulldogs si Mbe na walang katapat sa Red Warriors dahil sa pagkawala ni Mammie at nagbasak ito ng walong puntos para bigyan ang NU ng 70-61 kalamangan.

Tinapos naman ng Adamson University ang anim na sunod na kabiguan nang pabagsakin ang nangungulelat na University of the Philippines,  67-53, sa unang laro.

Ang panalo ay ikaapat sa 12 laro lamang ng Falcons at matapos ang labanan ay inihayag ni Adamson coach Leo Austria ang pagbibitiw sa puwesto sa pagtatapos ng season.

( Photo credit to INS )

Read more...