BUKOD sa pagiging artista at TV host, may isa pang trabaho ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi na hindi pa alam ng nakararami.
Alam n’yo ba na isa na ring miyembro ng Highway Patrol Group o HPG ang asawa ni Carmina Villarroel?
Ibinahagi ng tatay ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ang trabaho at responsibilidad niya bilang HPG member sa nakaraang episode ng “Sarap, Di Ba?” na kinunan sa pag-aari nilang rest house sa Batangas.
Ipinalabas din dito ang ilang eksena sa pagganap niya sa bago niyang tungkulin bilang frontliner sa gitna ng pandemya. Dito, ipinakita rin ni Zoren ang kanyang uniporme kasabay ng pagsasabing pinaghirapan niya bago ito maisuot.
Ani Zoren, “Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon.” Sagot naman ni Carmina, “Si tatay po ay… nag-training ka for HPG.”
Ayon sa aktor, hindi raw madaling makapasok sa HPG, “‘Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, so mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilians na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito.”
Sa official website ng Official Gazette, nakasaad ang mga tungkulin at responsibilidad ng HPG, “This group enforces the traffic laws and regulations, promote safety along the highways, enhances traffic safety consciousness through inter-agency cooperation concerning Police Traffic Safety Engineering, Traffic Safety Education and Traffic Law enforcement functions and develops reforms in the crime prevention aspect against all forms of lawlessness committed along National Highway involving the use of motor vehicles.”
Hirit pa ni Carmina, “Congratulations to him dahil talagang like he said, pinaghirapan talaga niya ‘yan.”
Sa isang bahagi ng programa, ipinakita rin ang husay ni Zoren sa pagmamaneho ng motor. Aniya pa kay Carmina, “Nakita mo naman mabait ako mag-motor, ‘di ba?”
Bukod dito, ipinasilip din ng pamilya Legaspi ang mga bonding moments nila sa pagbabakasyon sa sarili nilang resort sa Batangas.