Andi bilib na bilib kay Baby Koa; Rhian naka-move on na nga ba sa huling dyowa?

TALAGA namang napakabilis na ng paglipas ng oras at panahon.

Parang kailan lang nang ipanganak ni Andi Eigenmann ang bunsong anak na si Baby Koa at ngayon ay dalawang buwan na nga ang bagets.

Ibinandera ng aktres ang second month ng kanyang baby boy sa Instagram kung saan makikita ang sanggol suot ang kanyang light green jumpsuit.

Inamin ni Andi na medyo nag-a-adjust pa sila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo sa pagbabalik nila sa Siargao makalipas ang ilang buwang pananatili sa Manila kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa.

“A lot has happened in the last couple of weeks — from finally (and officially) moving to the island and having to readjust, this time with three kids, Lilo getting sick, and oh, the current situation of well, the world.

“It hasn’t been the easiest for the fam, but this little guy has just been a trooper. He’s been so wonderful and lovely, and no matter how tiny he still may be, he has already been making life in general, so much sweeter.

“We love you sooo much, little one!” ang caption ni Andi sa photo ni Babu Koa.

Kamakailan, ipinakita rin ng aktres sa madlang pipol ang kanyang postpartum body, “The only recent pic of me in my photo library that wasn’t meant to be a ‘before’ pic.

“I am posting it because I know that my postpartum body won’t stay — just as all my previous bodies: my young athlete body, my junkfood-filled lazy student body, my artista body, my pre-pregnancy body, pregnancy body, and so on — it is, in fact, my ‘NOW’ body too.

“And it doesn’t mean I don’t love it. I still love it! I am still grateful for it! And I still feel cute in it!” sabi niya sa caption.

                           * * *

Paano nga ba naka-recover ang Kapuso actress na si Rhian Ramos mula sa kanyang latest heartbreak, o naka-move on na ba siya talaga?

Yan ang diretsahang sasagutin ng dalaga sa “May Pa-PressCon” segment ng “The Boobay And Tekla Show” ngayong Linggo sa GMA 7.

Aaminin na ni Rhian ang ilang detalye sa paghihiwalay nila ng dating foreigner boyfriend. Iisa-iisahin din niya ang mga qualities na hinahanap sa isang lalaki.

Ipakikilala rin sa “TBATS” this coming Sunday si Miss Manila 2020 Alexandra Abdon bilang pinakabagong miyembro ng The Mema Squad.

Pero bago ‘yan, ang beauty queen muna ang bibiktimahin ng fun-tastic duo sa “Na-TBATS Ka!” Magpapaka-naughty rin siya sa pagpili ng male celebrities sa “Tatakpan o Titikman” challenge.

Samantala, maglalaro rin sina Rhian at Alexandra ng charades sa segment na “Galaw-Galaw.” Team Ganda sina Rhian, Boobay at Tekla habang Team Mema naman sina Alexandra, Pepita Curtis, Ian Red, at Skelly Clarkson.

Tuloy-tuloy pa rin ang laugh trip kahit may krisism Tutok na sa “The Boobay And Tekla Show” ngayong Linggo, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.

Read more...