NANAWAGAN ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa mga producer na isapelikula ang makulay at inspiring life story ng dating senador na si Gringo Honasan.
At kung gagawan nga ng biopic ang former senator, nais niyang siya ang bumida rito kasama ang anak na si Grae Fernandez na gumagawa na rin ng pangalan sa showbiz.
Sa virtual mediacon ng bagong movie ni Mark Anthony sa Viva Films, ang horror movie na “Biyernes Santo”, sinabi niyang super proud talaga siya sa kanyang binatang anak dahil sa umaariba nitong acting career.
Isa si Grae sa members ng cast ng ABS-CBN primetime series na “Ang Sa Iyo ay Akin” na magtatapos na ngayong gabi at in fairness, talagang umani ng papuri ang binata mula sa manonood.
“I’m happy with everything that has been happening to my son now. Alam ko ‘yung puso niya. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya,” pahayag ni Mark.
Sinabi rin ng aktor na hindi siya nagkukulang ng paalala sa anak pagdating sa usaping showbiz, “Ako na ‘yung nagkusang-loob a few times noong may pagkakataon na akong magpayo.
“Proud ako bilang tatay at may magandang nangyari sa kanya. Nagbibinata siya at nagiging independent. Huwag siyang mawalan ng patience being an actor.
“Trabaho lang nang trabaho. Hanap lang ng magandang kwento o magandang project at maka-jackpot din siya na talagang markado ang role. Pwede niyang mapanalo ‘yung role at magustuhan ng tao,” dagdag pa ni Mark.
Nang matanong nga kung game ba siyang magsama sila ni Grae sa isang project, excited niyang binanggit ang pangalan ni Sen. Honasan, “Can anybody convince a producer to buy the story rights of Senator Gringo Honasan?”
“Maybe Grae can also be in it or I can be in it with Grae, that will be a big project for both us. Kung maganda ang project, bakit hindi kami magsasama? We really need a good project to work together.
Alam ko mangyayari din ‘yan,” sey pa ng dating miyembro ng Gwapings kasama sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.
Samantala, sa presscon ng “Biyernes Santo”, kitang-kita na malaki na ang ipinayat ni Mark matapos tumaba sa loob ng kulungan.
Aniya, mula nang makalaya siya hindi na siya tumigil sa pagwo-workout, “Bilang artista, ang feeling ko wala akong dating kapag hindi proper ang weight ko.
“So kahit paano, I really tried to lose weight. I even came to a point where kailangan ko pang ipagdasal ang weight ko. Buti na lang answered prayers at salamat kay God,” pahayag pa ni Mark na muling mapapanood sa horror film na “Biyernes Santo”.
Mapapanood na ang “Biyernes Santo” sa VivaMax simula sa March 26, sa direksyon ni Pedring Lopez na siya ring nagdirek ng “Binhi,” “Nilalang” at “Maria”.
Kasama rin sa pelikula sina Gardo Versoza, Andrea del Rosario, Ella Cruz at introducing si Via Ortega.