SIMULA ngayong Lunes (March 22) ay mapapanood na ang first installment ng ikalawang season ng groundbreaking drama series ng GMA, ang “I Can See You: On My Way To You” na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.
Kwento ito ng isang runaway bride na si Raki (Shaira) na pansamantalang titira sa isang mountain lodge kung saan makikilala niya si Jerrick (Ruru), isang misteryosong lalake na iniwan naman ng kanyang bride.
At dahil runaway bride ang theme ng kanilang episode, ibinahagi nina Ruru at Shaira ang kanilang opinyon pagdating sa pagse-settle down.
Pahayag ni Shaira, “Para sa akin, ‘yung marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko ito at marami pa akong goals na nais matupad bago ako pumasok sa ganu’n. Gusto ko siguradung-sigurado ako and ayoko ‘yung pabigla-bigla.”
Para naman kay Ruru, nais niya rin munang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa pamilya biya bago pasukin ang buhay may asawa.
“Like ako, napaka-goal-oriented ko na tao, napakarami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay,” paliwanag ng Kapuso actor-singer.
Abangan ang rason kung bakit nga ba tinakbuhan ni Raki ang kanyang groom sa first episode ng second season ng “I Can See You na On My Way To You” ngayong Lunes na, pagkatapos ng “First Yaya,” sa GMA.
* * *
Pumalo na ng higit walong milyong views sa TikTok ang version ng Kapuso performer na si Jong Madaliday ng awiting “Kanlungan” ni Noel Cabangon.
Maraming netizens ang nagandahan sa version ng binata. Sa YouTube ay umabot na ng lagpas 600,000 views ang kaniyang acoustic version at 400,000 views naman sa studio version.
Kilala talaga ang “All-Out Sundays” mainstay sa kanyang song covers na pumapatok online. Matatandaang napansin na rin siya noon ng international singer na si Maximillian dahil sa kanyang cover ng kantang “Beautiful Scars.”