Team Adelle vs Team Kelly sa pasabog na ending ng ‘Love Of My Life’

INAABANGAN na ng mga Kapuso viewers ang pasabog na ending ng  pinag-uusapan at laging trending na GMA primetime series na “Love Of My Life”.

Atat na atat na ang manonood kung sino nga ba ang makakatuluyan ni Nikolai (Mikael Daez) — si Adelle (Carla Abellana) ba o si Kelly (Rhian Ramos).

At para mas maging exciting ang finale episode ng serye, naglunsad kamakailan ang GMA ng isang online poll para paglabanin ang Team Adelle at Team Kelly.

Base sa resulta (habang sinusulat namin ang balitang ito), may 72.3% na ang bumoto kay Adelle at nagsabing siya ang dapat na makatuluyan ni Nikolai habang 27.6% naman ang kumampi kay Kelly.

Samantala, ayon naman sa isa pang lead star ng serye na si Coney Reyes, isa sa mga dahilan kung bakit naging successful ang kanilang programa ay dahil sa effort ng buong production team.

“It’s really the collaborative effort of everyone. Naniniwala ako na when there is unity, nakikita ‘yun and nagta-translate sa trabaho. Siguro dahil we help one another and we motivate each other whatever work it is.

“Kunwari sa production may nalulungkot or nahihirapan, we encourage one another. Ganoon din sa kapwa artista. Talagang nagta-translate sa trabaho and I think nararamdaman ng viewers iyon,” sabi pa ng veteran actress.

Sey naman ni Carla, “Maraming salamat po for all the support. Honest enough to say na napakabigat po ng role and kwento pero ito po ‘yung pinaka nag-enjoy ako. I will forever cherish all that we’ve shared together from start to finish. We promise na hindi kayo mabibigo sa mga natitirang eksena sa serye.”

May ibinuking naman si Rhian tungkol kay Coney, “I’m not sure if people know this about Ms. Coney kasi ako hindi ko ‘to alam before na-meet ko siya. I was actually quite intimidated.

“I thought that she was a very serious person pero ayun pala she’s so fun and has a great sense of humor. Sometimes nga her energy is mas mataas pa sa akin,” aniya pa.

Ito naman ang sey ni Mikael sa Team Adelle vs. Team Kelley, “For me, I really like Nikolai and Kelley’s relationship at the very beginning, ‘yun tipong fun lang. My relationship with Bonez (Megan Young) was born out of a similar kind of fun.

“I understand ‘yung kilig na nandoon pero hindi nga lang nag-develop into love. For Adelle and Nikolai, it’s love. Kita mo sa interactions nila, nagwawala na agad ‘yung audience. Parang mas may lalim ‘yung kina Adelle and Nikolai kasi iba ‘yung unsaid and unshown feelings.”

Huwag na huwag nang bibitaw sa  heartwarming finale ng “Love of My Life”, mula sa Don Michael Perez.

Read more...