TAMA nga ang sinabi ni Ina Raymundo sa virtual mediacon ng “#AmpalayaChronicles Presents Me and Mrs. Cruz” na ang older men mas gusto ang younger women at ang younger women “looks for older men.”
Paliwanag ng aktres, “Marami kasing babae na ‘yung spirit nila is so young na ang mas bagay sa kanila ay ‘yung younger men. And may mga much older men naman, like younger women.
“So, lalo na sa panahon ngayon na very open na, dati parang medyo taboo, right? Or medyo hindi pa accepted but now, no big deal,” ani Ina.
Trending topic pa rin kasi ngayon sina Rico Blanco at Maris Racal dahil sa birthday post ng young actress para sa singer-songwriter na ang basa ng ilan, may “something” na sa pagitan ng dalawa.
Binasa namin ang mga komento sa social media, karamihan ay kinikilig sa kanila pero may ilan naman ang hindi pabor tulad ng mga nagsabing, “tatay mo na ‘yan Maris” at “nabola ‘yung bata.”
Parang hindi naman na bata si Maris dahil 23 anyos na siya at nasa tamang pag-iisip kaya paano siya nabola ni Rico? Porke’t ba edad 48 na ang singer-actor ay nakabola na? Paano pala kung siya ang nabola ng bata?
Dahil base sa latest trending topic ngayon ay inilabas ng netizen ang mga tweet ni Maris kay Rico na halatang nagpsapapansin dahil tinatanong ng dalaga kung kailan siya mapapanood kumanta nang live.
Bukod pa sa mga hiniling nitong kantahan siya ng Rivermaya frontman at gusto rin niyang ito ang wedding singer niya kapag ikinasal siya.
So, sino ngayon ang unang nagpapansin at nambola kay Rico?
Anyway, karamihan nga sa nabasa namin ay inggit na inggit kay Maris dahil maraming may crush kay Rico, iba pa ‘yung paghanga nila bilang mang-aawit at hindi nila nagawa ang mga nagawa ng aktres na talagang super tweet sa idolo nila.
Dapat pala sina Maris at Rico ang bumida sa pelikulang “Fan Girl” ni Direk Antoinette Jadaone dahil true to life na ang magiging peg nito. Bale isa rin ang direktora sa bumati sa dalawa na inakala niyang sa bandang huli ng pagbati ng “happy birthday” ni Maris ay may kiss na sa dulo.
Sa kabuuan ay boto ang karamihan kina Rico at Maris kung totoong magdyowa na nga sila at perfect combination daw dahil parehong mahilig sa musika na mala-Joey Albert at Louie Ocampo ang peg noong araw.
Anyway, hinihintay na lang ng lahat ang pag-amin nina Rico at Maris, pero sabi naman ng iba, “action speaks louder than words.” E, paano pala kung mali ang akala ng lahat, kaya mas maganda na nga ang pormal nilang pag-amin.
Paging direk Tonette, baka may mabuo kang kuwento para sa pelikula nina Rico at Maris — in fairness bagay sila.