Kylie Verzosa nag-react sa tumatawag sa kanya ng ‘mataray, masungit, isnabera’

MATARAY, masungit, isnabera. Ilan lang yan sa mga assumptions ng ilang netizens sa beauty queen-actress na si Kylie Verzosa.

Game na game na sinagot ng girlfriend ni Jake Cuenca sa kanyang latest vlog sa YouTube ang mga nakaiintrigang tanong sa kanya ng mga fans at netizens.

Una na nga riyan ang maling pagkakakilala sa kanya ng mga tao, na kesyo mayabang siya, suplada, mukhang ang hirap pakisamahan at iba pang mga kanegahan.

Pero sabi ng ating Miss International 2016, walang katotohanan ang mga ito dahil sa katunayan “super approachable” daw siyang tao at walang masamang tinapay sa kanya.

Simple rin daw siya sa maraming bagay — maligaya na raw siya kapag nakakapunta siya sa mga ukay-ukay stored at nakakakain ng street food.

“Ang dami ritong nagsasabi na mataray, masungit, intimidating. Feeling ko assumption lang talaga ‘yon. Feeling ko mukha lang akong ano pero hindi talaga.

“Once you get to know me, I’m super approachable. Once na nag-approach kayo sa akin, then mas madali akong mag-open up sa inyo,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa niyang chika, “Actually mahilig talaga ako sa mga vintage or ‘yung mga ukay clothes. Taga-Baguio kasi talaga ako so minsan mag-uukay kami ng friends ko. Ang dami kasing ukay-ukay sa Baguio.”

Sa isang bahagi ng bago niyang vlog, inamin din ni Kylie na may mga insecurities din siya sa buhay, kabilang na riyan ang pagsabak niya sa larangan ng pag-arte.

“As a person I still have my down days, or nai-insecure ako kapag kunyari hindi ako magaling umarte.

“Or kapag hindi ako magaling sa eksena tapos ‘yung ka-partner ko ang galing-galing. Tapos ‘yung kasama ko umiiyak na, ako hindi pa. I’m trying to work on it, pero unti-unti kong masasabing I’m getting better at it,” sey pa ng aktres.

Samantala, sinagot din ni Kylie ang palagi raw tinatanong sa kanya ng mga tao — kung totoo bang related siya sa aktor na si Gardo Versoza.

“Ang dami talagang nagtatanong sa akin nito and the answer is yes…terday!

“Hindi talaga guys, feeling ko faraway relative ko lang si Tito Gardo, pero naka-work ko na siya sa isang sitcom,” chika pa ni Kylie sabay sabing magkaiba naman daw ang spelling ng apelyido nila.

At ang totoo, screen name lang naman ang Gardo Versoza ay Mennen Torres Polintan.

Read more...