KRIS BERNAL biglang lumobo ang boobs, CARL GUEVARRA napikon sa mga intrigera

Talagang love ni Carl Guevarra si Kris Bernal. Nag-post kasi ng photo sa kanyang Instagram si Kris kasama si Carl. Anak-red na outfit ang hitad at medyo mababa ang neckline kaya kita ang cleavage nito.

Not surprisingly, marami ang nag-react sa photo ni Kris. Marami kasi ang nakapansin na tila lumaki ang dibdib ng Kapuso actress.

Siyempre, may mga nang-okray sa dalaga. Kesyo peke raw ang dibdib nito at kung anu-ano pang atutsutsu. Hurt naman siyempre ang dyowa ni Kris na si Carl.

Hindi nakapagpigil ang binata at talagang chinapter din ang mga nang-okray kay Kris. At pinatulan ng binata ang bashers ng kanyang dyowa. Ang pag-ibig nga naman.

Speaking of Kris, balik na ito sa soap opera. Matagal ding naging frozen delight ang beauty ni Kris. Ewan kung ano ang naging kasalanan niya kung bakit bigla siyang hindi na lang binigyan ng project ng Siyete.

Anyway, balik-tambalan sina Kris at Aljur Abrenica na matagal ring natengga ang beauty.

( Photo credit to Google )

Read more...