KRISTINE hindi pinayagan ni OYO na gumawa ng serye kasama si ECHO


How true na kaya hindi natuloy ang supposedly TV project at reunion soap sana nina Kristine Hermosa-Sotto at Jericho Rosales ay dahil hindi pumayag ang asawa ng dating aktres na si Oyo?

Tsika sa amin ng source, matagal nang may offer si Kristine na gumawa ng soap drama kasama ang dating karelasyong si Jericho base na rin sa request ng kanilang fans na muling pagtambalin ang dalawa lalo’t sikat na sikat pa rin ang Pangako Sa ‘Yo sa iba’t ibang bansa kung saan ito ipinapalabas.

Dagdag pa na marami pa ring supporters ang dalawa maski alam ng may kanya-kanya na silang buhay. Umokey naman kay Kristine ang project, pero nu’ng ipagpaalam na niya ito sa asawang si Oyo ay hindi raw ito pumayag.

Totoo kaya ang mga balita na hanggang ngayon ay nagseselos pa rin si Oyo kay Echo? Ang mungkahi na lang ni Kristine ay bigyan siya ng programang siya ang host na may kinalaman sa kanya bilang maybahay at kung paano napapalaki ang mga anak ng maayos at the same time, nagma-manage pa ng kanilang negosyong organic restaurant sa Alabang na The Farms Restaurant.

“Lahat ng ginagamit o itinitinda sa resto nila, galing lahat sa pananim sa lupa ni Kristine sa Tagaytay na nabili niya noong dalaga pa siya,” kuwento sa amin.

As of now ay kuntento na ang dating aktres sa papel niya bilang nanay ng dalawang anak nila ni Oyo at bilang maybahay ng aktor.

( Photo credit to Google )

Read more...