Sagot ni Derek sa planong pagpapakasal kay Ellen: Makikita n’yo na lang ‘yan

INAMIN ni Derek Ramsay na ibang klaseng saya ang nararamdaman niya ngayon sa piling ni Ellen Adarna at abangan na lang daw ang mga susunod na mangyayari sa kanilang relasyon.

Sa YouTube channel ni Julius Babao na UNPLUGGED ay si Derek ang naging guest niya para sa isang house tour kung saan pinag-usapan nila ang pagiging art collector ng aktor na obviously ay hilig din ng news anchor kaya sila nagkasundo.

Isa-isang ipinakita ni Derek kay Julius ang mga mamahaling art collections na gawa ng local artists na nakapalibot sa kuwarto at salas niya na hangang-hanga naman ang huli.

Isa sa mga nagustuhan ni Julius ay ang mga gawa ng kilalang sculptor na si Jinggoy Buensuceso na sa mga hindi nakakaalam ay ang husband ng dating beauty queen na si Mutya Crisostomo Laxa.

Bukod sa art collections ay ipinakita rin ng aktor ang mga koleksyon niya ng Swatch na aniya’y, “Swatch owned Omega, so, for me it’s the biggest brand out there.

Anyway, bago nagtapos ang kanilang chikahan ay hindi nakalimutang tanungin ni Julius si Derek ng, “You’re in the news lately, ano ba, are you planning to settle down soon?”

Natawa nang husto ang aktor sabay sabing, “Makikita n’yo na lang ‘yan Julius. I’m a very happy person right now and I’m in a good state.

“I’m enjoying my life and a lot of mood things suddenly entered my life which actually enjoying rather than being uncomfortable kasi I’m always a segurista and yeah, you’ll see na lang malalaman n’yo rin ‘yan,” natatawang dagdag ng aktor.

Inamin din ni Derek na kapag kasama niya si Ellen, pakiramdam niya ay bumata siya dahil masyado siyang seryoso noon sa lahat ng bagay.

“She’s a wonderful person (sabay pakita ng mga larawang kasama ni Ellen ang daddy niya). I feel happy to be me again. Bumalik ‘yung Derek Ramsay from 15 years ago.

“Naging seryoso kasi ako with life as in sobrang seryoso ako with everything, everyone around me but she’s brought me back that joy and that thrill to live life and I feel young again,” nakangiting sabi ni Derek.

Read more...