Dingdong gusto pang dagdagan ang 2 anak nila ni Marian: We want more!

“WE want more!” Yan ang agad na sagot ni Dingdong Dantes nang matanong kung plano pa nila ni Marian Rivera na dagdagan ang kanilang dalawang anak.

Ayon sa Kapuso Primetime King, talagang sa simula pa lang ng pagsasama nila ng asawa, ay malaking pamilya na ang pangarap nila.

Sa pakikipagchikahan ng aktor kay G3 San Diego, hindi siya nagbigay ng diretsong sagot kung ilan pa ang nais nilang anak, “But definitely, we want more.”

Kahit naman si Marian ay nagsasabing gusto niya ng maraming anak pero nakatadhana naman daw ang lahat ng bagay kaya kung dalawa lang talaga ang ibibigay sa kanila, masayang-masaya na rin sila.

 

Samantala, nagpapasalamat naman  si Dingdong na nabigyan siya ng chance na masubaybayan ang paglaki nina Zia at Ziggy nang dahil sa pandemya.

“Nagpapasalamat ako na I was able to witness these milestones. But, of course, sana hindi nangyari sa ganitong klaseng context. But I’m still grateful. I couldn’t complain,” sey ng aktor.

Sabi pa ni Dingdong, nang dahil sa pandemya, nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-experience ang pagiging full-time member ng pamilya.

“For the past 20 years, or even more, palagi akong on the road. Mula noong pumasok ako sa industriya natin, talagang parati akong nagtatrabaho.

“Naramdaman ko ‘yung pagiging isang full-time father, full-time member of the family. Not just my immediate family but also ‘yung mommy ko, daddy ko, mga kapatid ko. Sabi ko nga, well, I’m kinda liking this,” aniya pa

Nagpapasalamat din siya sa Diyos na binigyan siya ng pagkakataon na masamahan sina Zia at Ziggy sa development stage ng mga ito.

“Kasi ‘yung chapter na ‘to ng buhay nila is very, very important. Kailangan masamahan mo sila rito sa development stage na ‘to.

“Nu’ng nag-start ‘yung pandemic, ‘yung anak kong lalaki hindi pa gumagapang tapos ngayon tumatalon na, nagma-monkey bar,” lahad pa ng award-winning actor.

Read more...