KUNG siya lang daw ang masusunod, nais ng Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay na maging magkaibigan pa rin sila ni Andrea Torres.
Ayon sa binata, mula noong maghiwalay sila ni Andrea ilang buwan na ang nakararaan ay hindi pa sila nabibigyan ng chance na makapag-usap.
Ipinagdiinan din ng aktor na wala talagang third party involved sa break-up nila ng Kapuso sexy actress tulad ng nababalita.
Ibig sabihin, hindi inahas ni Ellen Adarna si Derek kay Andrea at hindi totoong basta na lang niyang iniwan ang kanyang ex-girlfriend dahil bigla siyang na-in love sa ibang babae.
“I don’t have any ill-feelings towards my exes,” pahayag ni Derek sa nakaraang panayam ng GMA tungkol sa kanila ni Andrea.
“It’s sad that we haven’t really spoken since the breakup but in all honesty, I have no regrets of what happened between Andrea and I.
“There was no third party, nobody intentionally tried to hurt anyone. There was just, I guess, differences between the both of us that we couldn’t handle,” chika pa ng aktor.
Hindi rin daw iiwasan ni Derek ang dalaga sakaling magkrus ang landas nila sa GMA 7. Lalapitan daw niya ito at siya na ang unang babati.
“Definitely, if I see her in the hallways of GMA, I’ll go approach her and greet her, and greet her mom because I know the mom would be there with her.
“But again, we’re both two different individuals and I guess, we handle things differently.
“And I’m sure there will come a time where we will be back to having some sort of relationship as friends, and I hope for that one day,” paliwanag pa ng dyowa ni Ellen.
Gagawa sana uli ng teleserye sina Derek at Andrea sa GMA 7 na may titulong “Sanggang Dikit” pero mukhang hindi na nga ito matutuloy dahil sa biglaang paghihiwalay nila.
Kamakailan, buong-ningning na sinabi ni Derek na malakas ang feeling niya na si Ellen na nga ang kanyang “the one”. Wish niya na sana’y sila na nga ang itinadhana na magkasama forever.