So-so actor bakit nga ba nakikisawsaw sa isyu ni kontrobersyal na aktor, aktres?

Napakunot noo at natawa ang kontroberysal na aktor ngayon dahil nag-comment ang so-so actor sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Walang project na nagsama ang kontroberysal na aktor at ang so-so actor kaya hindi sila magkaibigan. Pero nagkikita naman sila sa events ng TV network kung saan sila parehong kunektado.

Ang chika sa amin ng taong malapit sa kontrobersyal na aktor, “Actually natawa si (aktor) sabi lang niya, ‘hayaan na, tapos nag make face’.”

Dagdag pa, “Ano raw ba pakialam ni (so-so actor) sa isyu, e, hindi naman siya kasama saka may pruweba siya na may nangyaring kaliwaan?

“Dapat nga kasi may proof hindi ‘yung post lang nang post. Saka bakit siya nakikisawsaw? Bakit siya umeeksena? Ano isyu niya kina (kontroberyal na aktor at aktres).

“Kaya ‘yung hinala tuloy sa kanya bigay na bigay ng user-friendly siya. Timing nga kasi vulnerable si girl at malungkot kaya heto si Knight in Shining Armor kuno.”

Sa kasalukuyan ay abala ang kontrobersyal na aktor sa kanyang career lalo’t may ginagawa siyang teleserye samantalang ang so-so actor ay wala kaming nababalitaang project.

“May negosyo siya, doon siya busy. Pag free time niya, browse siya nang browse tapos magko-comment,”sabi ng taong malapit sa kontrobersyal na aktor.

At least may negosyo kaya hindi masasabing umaasa siya sa aktres na sinasabi ng iba na kaya dumidikit dahil may nahihita.

Hmm, bakit nga ba walang project itong si so-so actor? ‘Yung mga dati niya puro support lang at bilang lang ang exposure.

Read more...