Special IDs hindi kailangan sa unified curfew hours sa Metro Manila

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na hindi na kakailanganin pa ng ‘essential workers’ ang special ID para sa unified curfew hours sa Metro Manila.

Ayon kay Abalos, ang company ID ay sapat na kapag sinita ng awtoridad para patunayan ang oras ng trabaho.

Sa darating na Lunes, nagkaisa ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magpatupad ng unified curfew hours, mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

“Yung mga IDs nila sa trabaho nila, yun ang ipapakita nila. So wala na kailangang magbigay pa ng pass,” sabi ni Abalos.

Hanggang sa katapusan ng buwan ang uniform curfew at ito ay bunga nang pagdami muli ng tinatamaan ng coronavirus sa Metro Manila.

Read more...