Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magkaroon ng unified curfew hours.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ipatutupad ito mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga simula sa Lunes, Marso 15.
Epektibo ang nasabing curfew hours sa National Capital Region sa loob ng dalawang linggo.
Isa aniya ito sa mga napagkasunduan ng mga alkalde, maliban sa agresibong pagsusuri at contact tracing.
Ani Abalos, sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng parusa depende sa mga ipinatutupad na ordinansa sa bawat lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES