Iyan ang pahayag ni Kyle Echarri sa kanyang YouTube channel kung saan niya ipinakita ang nabiling Dodge Ram 1500 na nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong milyong piso.
Yes, ganu’n na kalaki ang naipon ni Kyle kaya naman nagpasalamat siya sa mahigit 1 million subscribers niya sa YT, Instagram, TikTok, Twitter at Kumu.
“At hindi ko po mabibili ‘yun kung hindi dahil sa inyo, thank you guys for watching, lahat kayo, every single one of you here in YouTube, Instagram, TikTok, Twitter everyone, all over the world, all over the Philippines, everyone, thank you so much,” sabi ng binatilyo.
Nakilala si Kyle nang sumali sa “The Voice Kids Season 2” (Team Sarah) noong 2015 pero hindi pinalad na manalo. Si Zephanie Dimaranan ang itinanghal na grand winner.
At dahil may taglay na charm si Kyle kaya isinama siya sa teleseryeng “On The Wings of Love” noong 2015 hanggang sa napansin na siya nang husto sa “Kadenang Ginto” bilang ka-loveteam ni Francine Diaz.
At mas lalo pang lumakas ang hatak niya sa publiko nang mabuo ang grupong Gold Squad kasama sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
Bukod sa sariling social media accounts ay malaking tulong din kay Kyle ng YT ng Gold Squad na halos 3 million na ang subscribers.
Ngayong 2021 ay may follow-up na ang “Kadenang Ginto,” ang “Huwag Kang Mangamba” na bida ulit ang Gold Squad na mapapanood na ngayong Marso 20 handog ng Dreamscape Entertainment.
Samantala, inamin ni Kyle na idolo niya ang daddy niya na mayroon ding kapareho ng gusto niyang sasakyan noong nasa Amerika sila.
“It’s my dream car because when I was younger mga 9 years old yata ako no’n. My dad has a Dodge Ram 3500 noong nasa States pa kami and pangarap ko talagang maging kagaya ng papa ko.
“Very happy na natupad ko ‘yung pangarap ko and dahil sa inyo, thank you guys so much,” diin ni Kyle.
Ipinakita ng batang aktor ang kabuuan ng truck niya sa kanyang subscribers at kung ano ang features nito na isa sa mga araw na ito ay may mga babaguhin siya at idagdag at mabibigay naman siya ng update tungkol dito.
Kasalukuyang nakatira si Kyle sa bahay ng magulang niya kaya hindi pa niya naiisip bumili ng sariling bahay pero malay natin baka bulagain na lang niya ang lahat na pinag-iipunan na rin niya ito.