Sam may inamin tungkol kay Maricel: I was so nervous working with her but she’s so grabe…

HINDING-HINDI malilimutan ni Sam Milby ang kauna-unahang seryeng ginawa niya para sa Kapamilya Network sa panahon ng pandemya.

Ayon sa singer-actor, hindi lang ang lock-in taping nila para sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” ang naging matinding hamon para sa kanya kundi pati na rin ang hinihingi ng role niya bilang si Gabriel.

Talaga raw napalaban siya nang husto kina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria pagdating sa aktingan, pati na rin sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

“It was a challenge I have to admit. Yung dalawang actress na lead na sobrang strong na characters, and Gabriel is up in the middle mula dun sa umpisa.

“Making that decision of fighting for his love but also nagkamali siya with another woman na best friend pa ng asawa niya so it was quite a challenge in trying to deliver the role. Nagpapasalamat talaga ako sa cast at sa mga directors sa tulong nila,” simulang kuwento ni Sam sa nakaraang finale presscon ng serye.

Patuloy pa niya, “And it was also a challenge because of the new normal. Hindi dire-diretso yung taping namin, so yung mga lock-ins namin three weeks, one month, and then mahaba yung break namin.

“Sa mahahabang break, it’s hard to get back into the role pag nag-start ulit ng taping so that’s another challenge that I did have. Mas lalo na itong last taping namin, over one month yata yung break namin tapos puro pasabog yung mga eksena so it’s so hard.

“Pag dire-diretso yung taping it’s so much easier kasi you’re going straight through. But with the long breaks you really have to take time to study and to get back into the character kung saan galing yung character mo,” chika pa ng hunk actor.

Aniya pa patungkol sa kanilang serye, “It’s been such a huge blessing para sa akin. I’ve really enjoyed playing this role as Gabriel. I want to thank yung buong cast just for making itong bagong normal, it became so much easier because of everyone that we were with, honestly.

“Siyempre may pandemya, we’re locked in in the same location pero ang sarap na kayo ang kasama ko. I really love yung pagsasama namin, just everything we’ve gone through.

“Mas lalo sa leading cast, kahit yung mga latecomers, thank you so much for sharing your heart sa amin. And sa mga leading ladies ko. Actually, the whole cast maliban kay Jodi I think halos lahat ng main cast parang first time na nakasama ko.

“Grabe the heart and just everything they gave to this whole project, Nakilala talaga namin ang isa’t isa and everyone has been so amazing,” lahad pa niya.

Blessing din para kay Sam ang makatrabaho ang mga empowered women tulad nina Iza at Maricel, “Izadora, I’ve enjoyed so much working with you, you being my wife and everything. I’ve really enjoyed this project and sana hindi ito yung last na project natin together.

“Kay Ms. Maricel I was so nervous working with her but she’s so grabe yung heart niya, sobrang giving niya sa lahat ng eksena and I love working with her,” pahayag pa ng boyfriend ni Catriona Gray.

Read more...