B-day greeting ni Gerald kay Julia wala raw kalatuy-latoy: ‘Ganyan bumati ang tatay at tito’

TALAGANG ayaw tantanan ng mga bashers ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson — pati kasi ang birthday greeting niya kay Julia Barretto ay inokray ng mga ito.

Binati ni Gerald ang bago niyang girlfriend sa pamamagitan ng pagpo-post ng solo picture ng dalaga sa Instagram na kuha sa isang beach.

Kahapon nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Julia at talagang abangers ang madlang pipol sa gagawing pagbati ng aktor.

Pinag-usapan kasi sa social media ang naging birthday greeting ni Julia kay Gerald last March 7 na punumpuno ng emosyon at pagmamahal kaya naman hinintay talaga ng kanyang fans kung ano naman ang gagawing paandar ng dyowa niya.

In fairness, nag-post naman ang binata ngunit tila naging matipid ito sa kanyang mensahe dahil ang tanging caption na inilagay niya sa kanyang IG post ay, “Happy birthday” na may hashtag na “#YouAreABlessing.”

Wala itong panama sa litratong ipinost ni Julia sa IG kung saan hinahalikan siya ni Gerald na may message na, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

May mga netizens na nagsabing walang kalatuy-latoy at parang wala namang feeling ang greeting ni Gerald sa kanyang girlfriend. As in “dry na dry” daw at tila hindi nanggaling sa kaibuturan nh kanyang puso.

Ilang fans naman ng aktres ang nagkomento na parang bati lang daw ng tatay o tito ang post ng hunk actor. Bakit daw wala man lang “I love you” at “I’m proud of you,” tulad ng caption ni Julia para sa kanya.

Kung matatandaan, sinabi ni Gerald sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na feeling niya, isa siyang private person “in a very public job” kaya naman hangga’t maaari ay nais niyang gawing pribado ang lovelife niya.

“I’ve come to terms with it na parang kahit na gaano karami kong trabaho, gaano karaming naniniwala, meron ding hindi maniniwala, meron din yung may aayaw sa ’yo.

“Whatever I’ll say sa interview na ‘to, will not magically make my bashers or haters love me or understand me. Umabot sa point na parang, ‘What’s new? Okay. I’ve heard everything,’” paliwanag pa ni Gerald.

“I’m controversial. I’m bashed because of my personal life and my love life. It’s something na parang hindi ko rin naman ise-share yung intimate details about my life or yung ginagawa natin sa bahay natin.

“Ive come to terms with it na parang maba-bash at maba-bash tayo,” diin pa niya.

Read more...