Diego ginaya si Park Bo Gum sa Pinoy version ng Encounter: Pero ang gwapo niya talaga, iba ang charm…

NAGBIGAY ng ilang dahilan ang hunk actor na si Diego Loyzaga kung bakit bigla siyang nagdesisyon na iwan muna ang mundo ng showbiz.

Sa nakaraang virtual mediacon ng TV5 para sa Pinoy version ng Korean series na “Encounter” na pagbibidahan nga ng binata kasama si Cristine Reyes, natanong kung ano nga ba ang tunay na rason ng kanyang pagkawala noong 2019.

Ayon sa boyfriend ni Barbie Imperial, kailangan lang daw niyang magpahinga at magmuni-muni para sa kanyang buhay at kinabukasan.

“I took a break a well-needed break. May kasabihang if you’re having… if it’s too much, it’s always better to take a break than force it.

“And I can say that it was long enough and I’m ready to work again. And I am here, I am working, so it’s glad to be back.

“It’s as simple as it is, I just really needed to take a break, reflect on what I want to do, in five years, in 10 years, what career path I want to take. I wanted to go back to studies, stuff like that, so it was just time to reflect,” ang maikling paliwanag ng binata.

Samantala, todo naman ang pasasalamat nina Diego at Cristine Reyes na sila ang napili para gawin ang Philippine adaptation ng sikat na sikat na South Korean drama series na “Encounter” na pinagbidahan noon nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.

Ito’y co-production venture ng Sari-Sari, Cignal Entertainment at Viva Television na mapapanood na sa TV5 simula sa March 20, directed by Jeffrey Jeturian.

Sa isang bahagi ng presscon, inamin ni Diego na talagang nag-try siyany  gayahin si Park Bo Gum, “I tried copying the original one and hindi ako kasing-guwapo niya. Ang guwapo talaga ni Park Bo Gum and iba yung charm niya.”

Para naman kay Cristine, “Pressure rin ako knowing that ‘Encounter’ is one of the highest rated Korean series with two big stars. So there’s big pressure.

“In our shoot, we really try everything like kung meron konting mali, we have to do it all over again. Ganu’n namin siya ginagawa.”

Read more...