CRISTINE nakaligtas sa karma, mas maswerte pa rin kay ARA


LAST year lang ba iyon nang halos isumpa ng buong bansa ang sexy star na si Cristine Reyes dahil sa pambababoy sa kaniyang older sister na si Ara Mina?

Halos gumapang sa putik si Cristine dahil sa left and right na panglalait sa kanya sa mga social media at sa totoong buhay dahil sa di-masikmurang pananakit sa kalooban ng kaniyang nakatatandang kapatid.

Wala siyang naging kakampi  – as in parang ZERO. But where is she right now? ‘Yung villain sa usapin noon ay bidang-bida sa mga palabas ngayon at parang wala lang nangyari.

Parang siya pa ang lumalabas na blessed between her and Ara dahil left and right ang work niya. Panalo rin ang lovelife niya dahil parang hindi siya nawalan ng boyfriend. One after the other ang dating.

Pag ayaw pa niyang mag-lovelife, she controls herself at pag feel na niya, she gets it. Nakakaloka, di ba? Parang di man lamang siya naparusahan sa kanyang nagawa.

In fact, sa course of events na iyon, nakapanakit pa siya ng damdamin – iniwan niyang bigla sa ere si Rayver Cruz na biglang naging mama nu’ng maging sila.

The matinee idol became an instant adult nang makarelasyon niya, ang tingin ng mga tao kay Rayver ay man of the world na rin dahil very sexual ang basa nila sa relasyon nito with Cristine.

Probably ay dahil sa image ni Cristine na sexy star and was linked to different hot men. Talagang napakaikli lang ng memory ng mga Pinoy.

Napansin ko lang. I’m not saying na dapat ay makita nating nahihirapan si Cristine dahil sa mga kalokahan nito – kung ang Diyos nga ay nakakapagpatawad, tayo pa kayang creation lang Niya.

All I’m saying is that Pinoys really have short memories kaya huwag niyong asahang ang mga kinabubuwisitan nilang personalities ngayon ay wala nang future. Ironically, they even emerge as bigger stars than the mababaits, agree?

Kungsabagay, nangyari na rin ito kay Hayden Kho noon. Halos walang mukhang iharap noon si Hayden sa publiko pero after some months, ay nakukuha na niyang mag-public service at tanggap siya ng public.

Sino kaya ang mga susunod na magiging stars in the future? Sina Neri Naig and Chito Miranda? Si Madam Janet Napoles dahil sa affiliation nito with the clergy? Nothing is definite talaga on earth, lalo na in the Philippines.

( Photo credit to Google )

Read more...