Julia pinainit ang socmed sa hot na hot na sexy birthday pictorial | Bandera

Julia pinainit ang socmed sa hot na hot na sexy birthday pictorial

Ervin Santiago |March 10,2021
facebook
share this

Julia pinainit ang socmed sa hot na hot na sexy birthday pictorial

Ervin Santiago - March 10, 2021 - 03:46 PM

HOT topic na naman ngayon sa social media ang controversial young actress na si Julia Barretto dahil sa kanyang pasabog na birthday pictorial.

Ngayong araw nagse-celebrate ng kanyang 24th birthday ang girlfriend ni Gerald Anderson at sinalubong nga niya ito sa pamamagitan ng  mga sexy and hot photos sa Instagram.

Bumaha ng heart at fire emojis sa comment section ng IG page ng dalaga matapos nga itong mag-post ng tatlong litrato kung saan kitang-kita ang kanyang kaseksihan.

Ang mga nabanggit na litrato ay kuha sa recent shoot ni Julia with celebrity photographer BJ Pascual at ang behind-the-scenes footage nito ay mapapanood sa bagong vlog ni BJ ngayong gabi.

Bukod sa kanyang mga fans and IG followers, napa-wow din sa kaseksihan ni Julia ang ilang celebrities sabay bati sa kanya ng “happy birthday.”

Kabilang na riyan sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzalez, Janine Gutierrez, Mariel Rodriguez ay Iza Calzado. At siyempre, siguradong proud boyfriend din si Gerald kay Julia ngayong lantaran na ang kanilang relasyon.

Nitong mga nakaraang araw, bumandera muli ang pangalan ni Julia sa mga headline matapos aminin ni Gerald sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

May mga nag-congratulate sa dalawa at natuwa na finally ay lumantad na sila sa publiko bilang magdyowa pero marami rin ang nangnega at nam-bash sa kanila, kabilang na ang fans ng ex-GF ni Gerald na si Bea Alonzo.

Pero mukhang wala namang pakialam ang celebrity couple sa mga pinagsasasabi ng mga haters dahil mas mahalaga sa kanila ang kanilang kaligayahan. Hindi na rin nila pinapatulan ang mga bumabatikos sa pag-iibigan nila.

Nitong nakaraang Sunday, matapang pang ibinandera ng aktres ang pagmamahal kay Gerald nang batiin nito sa Instagram ang BF noong kaarawan nito.

“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU,” sabi ni Julia sa caption ng kissing photo nila ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending