Geneva rumesbak sa bashers na nagsabing ‘ang itim ng singit’, ‘totoo ba boobs mo?’

ISA-ISANG binarag ng singer-actress na si Geneva Cruz ang bastos na netizens na nanglait sa kanya dahil sa ipinost niyang swimsuit photo sa Instagram.

Patol kung patol si Geneva sa mga bashers na walang ginawa kundi ang mang-okray ng kanilang kapwa sa social media lalo na yung mga taong hindi marunong rumespeto sa kababaihan.

Ibinahagi kasi ng OPM artist sa Instagram ang ilan niyang mga litrato na kuha sa pagbabakasyon nila sa isla ng Boracay last month.

Marami namang napa-wow sa kaseksihan ni Geneva sa kanyang swimsuit photo dahil kahit daw may mga anak na ay hot mama pa rin. Pinusuan din ito ng ilan niyang kaibigan sa showbiz.

But as expected, meron ding nanglait sa kanya partikular na ang medyo maitim na bahagi sa bandang singit ng singer-actress.

Comment ng isa niyang IG follower,  “What is up with the black color in the middle is that pubes or just dark? Looks like a thick pubes (face with stuck-out tounge and winking eye emoji).”

Resbak sa kanya ng dating member ng Smokey Mountain, hindi niya alam kung ano ang gustong sabihin ng basher, “I have no idea what you’re saying, but I think it’s called #IDGAF (I don’t give a fuck) what you’re imagining.

“Hope your gaudy sense of humor makes you pretty (ghost, kissing face with smiling eyes emojis),” bwelta pa niya sa netizen.

Hirit naman ng isa pang hater, “Ang itim ng singit (face with tears of joy emoji).”

Ipinadiinan ni Geneva na ang nakita nito ay “shadow” at talagang hindi raw niya ito in-edit para matuwa naman ang mga tulad niyang laitera.

“It’s called ‘shadow.’ Pasensya ka na, I forgot to photoshop it for your delight; I’m just a single mother of two.
“And the groin that you are making fun of is connected to the organ where my two children came out, and although that had happened twice to this body; it is stronger and more beautiful than ever.

“I feel sorry for your mother because she raised a prick. Take care (slightly smiling face, kissing face with smiling eyes emojis),” aniya pa.

Samantala, isa pang bastos na netizen ang nagtanong kay Geneva kung tunay ba ang boobs niya dahil halos nagmumura na raw ang mga ito sa sobrang laki.

Banat ni Geneva sa kanya, “No, I got them for Php999 just like my Smokey shirt.”

Nauna rito, binasag din ng singer-actress ang isa niyang IG follower na nagsabing “matanda” na siya. Sabi ni Geneva, “Mas matanda ka. Lakas mo makatanda diyan! LMAO (laughing my ass off). Matanda ka na naiinggit ka pa. Umayos ka nga po. Be nice to people.”

Read more...