Ika-102 Malasakit Center binuksan sa Angeles City

Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-102 Malasakit Center sa Angeles City sa Pampanga.

Ang Malasakit Center ay binuksan sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center (RLMMC).

Ito ang ikalawang Malasakit Center sa lalawigan ng Pampanga at ikasampu sa Central Luzon.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ang mga pasyente ay maaring makalapit para sa medical assistance sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11463, o mas kilala bilang ‘Malasakit Centers Act of 2019’ lahat ng ospital na nasa ilalim ng DOH ay kailangang makapagtayo ng kanilang Malasakit Center kabilang ang Philippine General Hospital sa Maynila.
Ang ibang public hospitals ay maari ding magkaroon ng Malasakit Centers basta’t makatutugon sila sa itinakdang at masisigurong magtutuloy ang operasyon.

Sa kaniyang talumpati bilang special guest sa launching, binigyang pagkilala ng senador ang mga medical frontliner sa kanilang papel sa pagtugon ng bansa sa COVID-19.

“Sa mga doctors, nurses at iba pang frontliners, maraming salamat po sa inyong sakripisyo sa panahong ito. Walang katumbas ang inyong serbisyo. Kaunting tiis lang po dahil kayo ang nakakaalam sa giyerang ito. Kaya nga po kayo ang frontliners,” ayon kay Go.

Sa nasabing aktibidad ay inanunsyo din ng pangulo ang pagdating ng 487,200 doses of ng AstraZeneca vaccine, kasabay ng pagtiyak na sa sandaling dumating ang iba pang mga bakuna ay may opsyon ang mga medical frontliner sa kung ano ang nais nilang iturok sa kanila.

Ayon kay Go, unti-unti nang magbabalik sa normal ang sitwasyon sa pagsisimula ng rollout ng bakuna.

Tiniyak din nitong magiging maingat ang pamahalaan lalo na pagdating sa pagpapasya sa pagbabalik eskwela ng mga bata.

“Hindi kami papayag ng face-to-face classes until makita natin na successful ‘yung pagbabakuna. Kapag mayroon naging positibo diyan sa classroom, contact tracing na naman po ‘yan,” paliwanag ni Go.

Sa ngayon sinabi ni Go na delikado pang pabalikin sa eskwelahan para sa face to face classes ang mga bata.

Samantala, pinasalamatan din ng senador ang mga opisyal na sumuporta sa Malasakit Center program.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din nina Vice Governor Lilia Pineda, 1st District Representative Carmelo Lazatin II, Mayor Carmelo Lazatin, Vice Mayor Ma. Vicenta Vega, at RLMMC Medical Director Dr. Lorina Villanueva.

May mga kinatawan din mula sa ibang ahensya ng pamahalaan kabilang sina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Assistant Secretary Girlie Veloso ng Office of the President, DSWD Usec. Aimee Neri, at DOH Asec. Charade Mercado-Grande.

Pagkatapos ng aktibidad sa Malasakit Center launching, namahagi ang grupo ni Go ng meals, food packs, vitamins, masks at face shields sa nasa 1,147 beneficiaries, na kinabibilangan ng medical frontliners at mga pasyente.

Nagbigay din ang DSWD ng financial assistance.

May ilang frontliners din ang nakatanggap ng bagong sapatos at bisikleta.

Habang may nabigyan din ng computer tablets na magagamit ng kanilang mga anak para sa blended learning.

Nakipagkita din si Go sa isang indigent mother na ang anak ay na-diagnose na mayroong liver complications.

Inatasan ni Go ang knaiyang stafff na makipag-ugnayan sa pamilya ng bata at sa ospital para mabigay ang kinakailangang tulong.

“Nagpapasalamat kami sa inyo dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na makapagserbisyo sa inyo. Kami ay mga probinsyano lamang, taga-Mindanao na binigyan ng pagkakataon ng Panginoon na maglingkod. Kaya hindi po namin sasayangin ang pagkakataon na ‘to. Araw-araw kaming magta-trabaho para malampasan natin itong pandemya na ating kinakaharap,” ayon pa kay Go.

Read more...