Pa-girl na talent manager broken-hearted; malapit nang layasan ng alagang aktor

MAINIT ngayon sa mga netizens ang isang talent manager dahil napapansin nila ang mga emote moments na ipino-post nito sa social media.

Sunud-sunod kasi ang kanyang mga hugot kaya ang tanong tuloy ng mga nakakabasa sa kanyang mga post, naging sila ba ng kanyang alagang young actor?

Kung ang pagbabasehan kasi ay ang pattern ng kanyang mga emote sa socmed ay parang si young actor ang kanyang tinutukoy.

Pero bukod sa lovelife ng pa-girl na manager, usap-usapan na rin na baka raw layasan na siya ng kanyang talent. Imagine ibinuhos lahat ng manager sa young actor tapos lalayasan lang siya?

Bakit kaya? Ang feeling ng mga netizens, baka kasi break na sila kaya aalis na rin ang kanyang talent. Pero mukhang hindi naman daw yata ito kakayanin iyon ng talent manager.

Ipinagmamalaki niyang siya ang nakatulong sa career ng binata. Pero nu’ng time na nasa sentro ng kontrobersya ang aktor at nu’ng time na lumalaki na ang ulo nito, wala naman daw nagawa ang manager.

Ewan ba kung sinadya ba ang kontrobersya para pag-usapan at pasikatin ang binata? O, sadyang hindi lang talaga alam ng manager ang dapat niyang gawin.

Pero ang style ng manager, parang wala siyang pinagdaraanan kapag humaharap sa mga ganap. Ngunit todo post naman siya sa social media. Drama queen din ang peg?

Well, sana’y maayos na ang problema nila at maayos na rin sana ang ilang reklamo sa manager.

Tingnan na lang natin kung saan pupulutin ang mayabang na talent. At wait na lang tayo kung ano ang magiging reaksyon ni talent manager kapag tuluya nang lumayas ang kanyang alaga. Hindi kaya mas lalo siyang maging drama queen?

Read more...