Yayaman uli (2)

Sulat mula kay Ayeen, ng Barangay Sinawal, General Santos City
Problema:  
1.      Nagtatrabaho kami noon ng mister ko sa Middle East.  Nauna siyang umuwi dahil nahawa siya ng malubhang sakit.  Binigyan naman siya ng pera.  Hindi nagtagal ay kailangan ko na ring umuwi para alagaan ang asawa ko.  Mabilis naubos ang aming pera hanggang sa nabaun kami sa utang.  Nakuha sa dalangin ang sakit ng aking asawa at siya’y gumaling.
2. Ngayon ay naga-apply na naman kami pa-abroad, pero napakahirap ng paglabas ngayon sa bansa dahil sa dami ng gera sa Middle East.  Itatanong ko lang kung may ikalawang pangingibang bansa bang itatala sa aming kapalaran at kung sino ang unang makapaga-abroad sa amin? Nais ko ring malaman kung makababayad na ba kami sa aming mga utang? January 14, 1977 ang mister ko at February 18, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Ayeen, ng Barangay Sinawal, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos ang malaking kamalasan dulot ng pagkakasakit ng iyong mister, isang dambuhala at malaki ding suwerte ang inyong matatanggap, sa susunod na taon hanggang 2015.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang taon 2014, sa ika-apat na buwan, dilit iba sa buwan ng Abril, isa sa inyo ni mister ang makapaga-abroad. Ito ang magiging simula upang muling umunlad ang inyong kabuhayan. Matapos ang apat pang buwan, isa naman ang makapaga-abroad.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran, lagi kayong gumamit ng kulay na dilaw at berde. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaganda at magpapalago ng inyong kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Ayeen, ayon sa iyong kapalaran, sigurado na ang magaganap, sa taon darating ganap ng mapapawi ang mga kamalasang sinapit ng inyong pamilya. Ang mahalaga, ipagpatuloy ninyo ni mister ang muling paga-apply sa abroad, dahil sa susunod na taon hanggang 2015, tiyak na ang magaganap – may ikalawang pangingibang bansang itatala sa inyong kapalaran na siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy na kayong umunlad, makaahon sa mga pagkakautang, hanggang sa yumaman, at sa aspetong pang materyal ay ganap ng sumagana.

Read more...