CLAUDINE tiniis ang pananakit ni RAYMART para lang sa mga anak

Sino nga kaya ang kumukuha ng mga retrato sa aktong hinihila ni Raymart Santiago si Claudine Barretto palabas sa isang sasakyan? Ayon kay Claudine na nagsampa ng kasong R.A. 9262 (pananakit ng kapareha sa kanyang karelasyon sa iba’t ibang paraan) ay matagal na siyang sinasaktan nang pisikal ng ama ng kanyang mga anak.

Hindi lang daw minsan-makalawa siyang sinaktan ni Raymart, maraming beses na raw, taon na diumano ang ipinagtitiis niya kay Raymart na nananakit nang pisikal.

Ipinakita ni Claudine ang kanyang pruweba, ang kanyang mga brasong may pasa-pasa, ang larawang kuha habang diumano’y sapilitan siyang hinihila ng aktor palabas sa isang van.

Sa mabilisang paghusga ay sasabihin nga ng kahit sinong makakakita sa mga larawang ‘yun na nakakaawa naman pala si Claudine sa piling ni Raymart, nananakit pala ang aktor, may karapatan naman pala si Claudine na kasuhan ang ama ng kanyang mga anak na sina Sabina at Santino.

Ang tanong, sino ang kumukuha ng mga retratong ipinakita ni Claudine sa aktong diumano’y kinakaladkad siya ni Raymart palabas sa sasakyan, alangan namang si Raymart o siya ang kumukuha ng mga retratong ‘yun?

Sabi ng isa naming nakausap, “Granting na totoo nga ang mga sinasabi ni Claudine, pero sino pa rin ang nagsu-shoot ng mga pictures nila ni Raymart habang nag-aaway sila?

“Ibig bang sabihin nu’n, e, matagal nang pinagpaplanuhan ni Claudine si Raymart na kasuhan ng pananakit sa kanya? May personal photographer ba si Claudine para i-record ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya sa araw-araw?

Di ba, nakakapambulabog ng isip ang anggulong ‘yun?” tanong-opinyon pa ng aming source. Oo nga naman.

( Photo credit to Google )

Read more...