PhilHealth: ‘Hindi nawawala ang P15B’

philhealth

“Hindi nawawala ang P15-B”

Ito ang iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ukol sa sinasabing ninakaw umanong P15 bilyong pondo nito.

Batay sa Facebook post, sinabi ng ahensya na napunta ang pondo sa 711 ospital sa bansa.

Bilang pang-ayuda anila ito sa gitna ng nararanasang pandemya at upang mapanatiling bukas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan.

Sa 711 healthcare facilities, 516 ang fully liquidated na, 153 ang higit 50 porsyento nang na-liquidate habang 42 ang mas mababa sa 50 porsyento.

“Properly accounted po ito. Sa katunayan ay P14.21 bilyon o 95% na ang na-liquidate o naisulit na ng mga ospital, katunayang pinakinabangan ito ng mga pasyente at hindi naibulsa ng sinuman,” dagdag ng PhilHealth.

Narito ang IRM liquidation updates base sa mga sumusunod na lugar:

Photo credit: PhilHealth/Facebook

Read more...